Walang hanggan pag-ibig ng Dios, diwa ng pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,721 total reads

Walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, ang dahilan ng pagdiriwang sa Pasko ng pagsilang ng Panginoon.

Ito ang mensahe ni Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta kaugnay sa pagdiriwang ng Pasko ng bawat Kristiyano.

Ayon sa arsobispo, ang pagsilang kay Hesus sa sabsaban ay simbolo ng Kanyang kapakumbabaan bagamat Siya’y itinuturing na bilang Hari ng sanlibutan sa sinapupunan pa lamang ng Birheng Maria.

“Christ was born poor in order to make us rich with his graces. Christ humbled Himself in order to lift us up from our nothingness,” mensahe ni Archbishop Peralta sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ni Archbishop Peralta na ang pagkakatawang-tao ni Hesus ang nagbunsod upang ang sanlibutan ay higit na mas mapalapit sa Diyos at madama ang Kanyang walang hanggang pag-ibig.

“Christ became one of us in order to make us children of a Loving Father in heaven. In Christ who is God made visible, we can now know who God is, a loving Father,” ayon sa Arsobispo.

Tagubilin naman ng Arsobispo sa mga mananampalataya na ipagdiwang ang Pasko nang may kapakumbabaan at pananalangin upang makamtan ang pag-asa at kaligtasan ng bawat isa mula sa iba’t ibang krisis sa kapaligiran.

Ang Pasko ay ginugunita ng mga Katoliko mula ika-25 ng Disyembre sa Pasko ng pagsilang ng Panginoon hanggang ikawalo ng Enero na pagdiriwang naman sa Pagbibinyag kay Hesus.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 1,463 total reads

 1,463 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 11,140 total reads

 11,140 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 51,700 total reads

 51,700 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 79,117 total reads

 79,117 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 127,382 total reads

 127,382 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 149,001 total reads

 149,001 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,381 total reads

 128,381 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top