Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang panalo sa digmaan, lahat ay mga biktima!

SHARE THE TRUTH

 284 total views

Ito ang bingyang diin ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual sa lalong pina-igting na “war on drugs” ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“In every war even war on illegal drugs,there are no victors, all are victims,”pahayag ni Father Pascual sa Radio Veritas.

Inihalimbawa ni Father Pascual ang record ng Philippine National Police na mula July 1 hanggang August 23, 2016 ay 712 drug suspects ang napatay sa police operations habang umabot naman sa 1,160 katao ang sinasabing biktima ng vigilante killings.

Nanindigan ang Pari na sa anumang police operations ay nararapat ipatupad ang rule of law at due process.

Iginiit ni Father Pascual na magiging ganap na tagumpay ang kampanya laban sa illegal drugs kung magkakaroon ng “radical change of heart at mayroong political will ang administrasyong Duterte na ipatupad ng walang shortcut ang batas.

“What we need is a radical change of heart and the political will of government to enforce the rule of law,”paalala ni Father Pascual.

Kaalinsabay nito, nanawagan ang pari kay pangulong Duterte na tuldukan na ang “out of control killings” kung saan sinasabi ni Senador Franklin Drilon na pitong drug suspects ang napapatay kada araw sa war on drugs ng pamahalaan.

Binigyan-diin ni Father Anton na ang buhay ay sagrado at tanging ang Panginoon lamang ang maaring kumuha dito.

Ipinaliwanag ni Father Pascual sa Radio Veritas na sa prinsipyo ng “Christian stewardship”, hindi pag-aari ng tao ang kanyang buhay kundi ng Panginoon.

“In the principle of Christian stewardship, our life is not ours but God’s. To take human life for whatever reason is not for us to decide. Absolutely no to all extra-judicial killings,”paninindigan ni Father Pascual.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,555 total views

 6,555 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 14,871 total views

 14,871 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,603 total views

 33,603 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,113 total views

 50,113 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,377 total views

 51,377 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Arnel Pelaco

NTC, ITINANGHAL NA 2021 FOI CHAMPION

 7,695 total views

 7,695 total views Sa katatapos na 2021 Freedom of Information (FOI) Awards ceremony, iginawad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pamamagitan ng Freedom of Information

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top