Waste free Holy Week, panawagan ng ECOWASTE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 761 total reads

Umapela ang EcoWaste Coalition sa mga mananampalataya na huwag mag-iwan ng anumang uri ng basura sa mga pilgrimage sites ngayong Semana Santa.

Ito ang panawagan ng grupo para sa mga magsasagawa ng Visita Iglesia o ang pagbisita sa iba’t ibang simbahan upang magnilay at manalangin.

Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste na bukod sa hindi pagkakalat, kailangan pa ring patuloy na sundin ng mga mananampalataya ang minimum public health protocols laban sa COVID-19.

“For the sake of our fellow pilgrims and Mother Earth, please observe COVID-19 health protocols and avoid all forms of littering when you perform the Visita Iglesia, take part in the Via Crucis and Santo Entierro processions, and celebrate Easter in the Salubong,” pahayag ni Lucero.

Pinaalalahan naman ni Lucero ang mga nagbabalak magpunta sa mga resort at iba pang tourist destination sites na gumamit lamang ng mga reusable containers sa halip na single-use plastics.

Gayundin ang hindi pagsasayang ng mga pagkain at tubig, at ang pagiging responsable sa mga malilikhang basura.

“Regardless of where your destination is, please take this reminder to heart ‘take nothing but pictures, leave nothing but memories, kill nothing but time’ and be an eco-friendly tourist at all times,” saad ni Lucero.

Nabanggit din ng EcoWaste ang paninindigan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa inilabas na pahayag noong 2015 na “Stewards, Not Owners” alinsunod sa ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si’.

Dito’y iginiit ng kalipunan na walang sinuman ang may-ari sa mga likas na yaman bagkus, ang bawat isa ay katiwala lamang ng mga nilikha ng Diyos upang ito’y pakaingatan at pagyabungin para sa kapakanan ng susunod pang henerasyon.

Batay naman sa pre-pandemic monitoring ng EcoWaste, karaniwan sa mga basurang nakikita sa mga dinarayong simbahan at dambana ay mga plastic bag, bote, styrofoam containers at mga natirang pagkain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 17,353 total reads

 17,353 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 98,708 total reads

 98,708 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 132,158 total reads

 132,158 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 167,456 total reads

 167,456 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 393,439 total reads

 393,439 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,837 total reads

 155,837 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top