Youtube channel ng Radio Veritas, na-hack

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,529 total views

Muling nabiktima ng international hacking group ang livestreaming account ng Radio Veritas.

Ayon kay Roymark Gutierrez, Social Media Manager ng himpilan, alas 6:59 ng gabi ng January 29 nang pasukin ng grupo ang Veritas 846 Livestream Youtube Channel at ma-access ang email na [email protected].

“Wala kaming natanggap na login notification, nalaman namin na na-hack nung 12 midnight mass nang hindi na ma-access ang Youtube channel para sa streaming ng misa gayundin sa ibang device kung saan naka login ang email,” pahayag ni Gutierrez sa Radio Veritas.

Agad nagsagawa ng hakbang si Gutierrez kasama ang isang I.T expert para mabawi ito subalit bigong ma-recover ang account dahil inalis ng hacker ang recovery method.

Sa ginawang assessment ng eksperto natukoy ang Internet Protocol o IP location sa bansang Russia.

Payo ng I.T expert sa publiko na maging mapagmatyag sa paggamit ng internet lalo na sa unverified source na mga link bilang pag-iingat.

Magugunitang January 31, 2016 nang ma-hack ng international group ang Facebook Page ng Radio Veritas.

Bagamat ikinalungkot ni Radio Veritas Vice President Fr. Roy Bellen ang insidente, umaapela ito sa mga Kapanalig na suportahan ang back up channel ng himpilan upang patuloy masubaybayan ang mga banal na misa at iba pang programa.

“In the meantime, we inform the followers of the said Youtube channel to transfer and follow our live streaming via this backup channel: VERITAS PH LIVE STREAM. We hope for your understanding and continued support to our Catholic Station in its mission of Evangelization using the Media. Let us remain steadfast in proclaiming the TRUTH amidst these trials and difficulties,” ani Fr. Bellen.

Batay sa datos Data Reportal halos limang bilyong katao sa buong mundo ang gumagamit ng internet na maaring lantad sa panganib kabilang na ang hacking.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,989 total views

 43,989 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,858 total views

 39,858 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 76,060 total views

 76,060 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,852 total views

 84,852 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,427 total views

 110,427 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top