Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Conscience vote, tanging makapagpabago sa “politics of business” sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 227 total views

Pagboto o paghalal ng mga lider na magmumula sa konsensya ng bawat botante ang tanging makapagpapabago sa sinasabing “political businesses” sa Pilipinas.

Ito ang paalala at binigyang diin ni Bangued, Abra Bishop Leopoldo Jaucian – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Youth kaugnay sa 2016 national at local elections sa darating na ika-9 ng Mayo.

Ipinaliwanag ni Bishop Jaucian na makakaboto lamang ng tama ang mga botante kung hindi maiimpluwensyahan ng pera, takot at dahas.

“Sa pamamagitan ng pagboto ng tama na hindi nasisilaw sa pera o kaya sa takot o kaya sa baril, One Good Vote na galing sa konsensya ng mga botante, ay magpapabago ng ating lipunan, ng ating political system na tila naging negosyo na…” pahayag ni Bishop Jaucian sa panayam ng Radio Veritas

Patuloy namang pinaigting at pinalawak ng Archdiocese of Manila, Radio Veritas at iba’t-ibang religious at lay organization ang kampanyang “Huwag Kang Magnakaw” na batay sa Ika-Pitong Utos ng Panginoon, kung saan maituturing na pagnanakaw sa dangal at kalayaan ng bayan ang pagbebenta ng boto sa mga makasariling kandidato.

Upang maiwasan ang vote buying at vote selling, hindi pinahihintulutan ang mahigit sa 100-thousand pesos na withdral kada araw at pag-transport ng higit sa 500-thousand pesos sa loob ng anim na araw bago ang mismong araw ng Halalan sa pamamagitan ng Commission on Election – Resolution Number 9688.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 7,411 total views

 7,411 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 27,335 total views

 27,335 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 33,380 total views

 33,380 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 41,911 total views

 41,911 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 49,808 total views

 49,808 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top