Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

19 seminarista at tauhan ng Ateneo de Manila University, nagpositibo sa COVID-19 at Retirement House sa Divine Word Mission Seminary, isinailalim sa lockdown

SHARE THE TRUTH

 439 total views

Umabot sa 19 na seminarista at mga tauhan ng Ateneo de Manila University ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito’y ayon kay Veritas Pilipinas anchor at executive director ng Jesuit Communications, Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso, SJ, kasunod ng utos ng Quezon City Government na isailalim sa lockdown ang pamantasan.

“Four (4) houses ‘yun. In all about 19 positive, mostly seminarians and staff,” bahagi ng pahayag ni Fr. Alfonso sa panayam ng Radio Veritas.

Partikular na isinailalim sa lockdown ang San Jose Seminary, Loyola House of Studies, Arrupe International House, at ang Jesuit Health and Wellness Center.

Paliwanag ni Fr. Alfonso na sa nasabing bilang ng mga nag-positibo, isang pari ang dinala sa ospital upang mabigyang lunas habang ang natitira naman ay mga walang sintomas o asymptomatic.

“One priest is in hospital but the rest are asymptomatic,” saad ni Fr. Alfonso.

Humihiling naman ng panalangin ang pamantasan para sa kagalingan at kaligtasan laban sa COVID-19.

Samantala, patuloy ding humihiling ng panalangin ang mga naapektuhan ng COVID-19 sa Divine Word Mission Seminary o kilala rin bilang Christ the King Mission Seminary partikular na sa Villa Cristo Rey Retirement House.

Nilinaw ni Fr. Manuel “Bong” Bongayan, SVD, Assistant to the President and Corporate Secretary ng Radio Veritas na ang retirement house lamang ang naapektuhan ng COVID-19 sa loob ng seminary compound.

Dagdag pa ni Fr. Bongayan na bagamat mga nag-positibo sa COVID-19, karamihan sa mga retiradong pari at caregivers ay asymptomatic habang nakakaranas lamang ng mild symptoms ang iba pa dahil kumpleto naman ang mga ito sa bakuna laban sa virus.

“Ang Christ the King Seminary ay hindi naman naka-lockdown. ‘Yung Villa Cristo Rey Retirement House ang naka-lockdown. Sa retirement house ako nakatira. Quarantine lang kami kasi lahat naman ay vaccinated,” ayon kay Fr. Bongayan sa panayam ng himpilan.

Gayundin, sinabi naman ni Fr. Benigno Beltran, SVD, Associate priest ng Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word na taliwas sa mga naunang balita ay ligtas naman mula sa epekto ng COVID-19 ang nalalabing bahagi ng seminary compound.

“Exaggerated ang mga news. Only the retirement home has COVID-19 positive residents. The rest is okay,” saad ni Fr. Beltran.

Ang Christ the King Seminary compound ay binubuo ng mismong seminaryo nito; ang Villa Cristo Rey Retirement House na ngayo’y naka-lockdown; ang Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word; at ang SVD Mission House.

Nauna nang nilinaw ng pamunuan ng Divine Word Mission Seminary sa pamamagitan ng pahayag na hindi apektado ng virus ang buong seminaryo, kundi ang retirement house lamang.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 3,031 total views

 3,031 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 16,171 total views

 16,171 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 22,144 total views

 22,144 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 27,899 total views

 27,899 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 35,162 total views

 35,162 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

10-milyong katutubo sa bansa, dumaranas ng kahirapan

 103 total views

 103 total views Inihayag ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na naranasan ng nasa 10 milyong katutubo sa bansa ang pinakamatinding kahirapan sa loob ng isang dekada sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ayon sa LRC Campaigns Support and Linkages Coordinator Leon Dulce, tumaas ng 79-porsyento ang antas ng kahirapan sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Act with creation, hamon ni Pope Francis sa mananampalataya

 2,386 total views

 2,386 total views Hinamon ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na yakapin ang buhay na puno ng pananampalataya at pag-asa, na nag-uugnay hindi lamang sa Diyos at kapwa, kundi maging sa sangnilikha. Ayon kay Pope Francis, ang pagkakaroon ng pag-asa at pagkilos kasama ang sangnilikha ay nangangahulungan ng pamumuhay ng pananampalatayang nagkatawang-tao. Ipinaliwanag ng Santo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Parokya at mga katolikong institusyon, hinikayat ng Caritas Philippines na makilahok sa 10 Million Solar Rooftops Challenge

 3,528 total views

 3,528 total views Nakiisa ang Caritas Philippines sa 10 Million Solar Rooftops Challenge bilang bahagi ng misyon ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at itaguyod ang napapanatiling pag-unlad ng bansa. Ang proyekto ay umani rin ng suporta sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at sa ginanap na 41st National Social Action General Assembly (NASAGA)

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinikayat na makibahagi sa kapistahan ni San Kamilo de Lellis

 3,825 total views

 3,825 total views Inaanyayahan ng Camillian Philippine Province ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Kamilo de Lellis. Dalangin ni Camillian Philippines Provincial Vicar, Fr. Dan Cancino, MI na ang kabanalan ni San Kamilo nawa’y mag-akay sa lahat ng mga naghihirap dulot ng iniindang mga karamdaman patungo sa kagalingan at pag-asang hatid

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinaalalahanan ng NFP na kumain ng masustansiyang pagkain

 6,846 total views

 6,846 total views Pinaalalahanan ng Nutrition Foundation of the Philippines (NFP) ang mamamayan na sikaping kumain ng sapat, balanse, at masustansiyang pagkain araw-araw. Ayon kay NFP Board Secretary, Nutritionist and Dietitian Rhea Benevides-de Leon, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na dami at wastong kombinasyon ng mga pagkain upang magkaroon ng malusog na pangangatawan. Ibinahagi ni de

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Filipino parents, hinimok ng CBCP na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata

 7,511 total views

 7,511 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga magulang na pagtuunan ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga bata. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, mahalagang sa tahanan pa lamang ay nauumpisahan na ang pagbibigay at pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging saksi ni Kristo

 5,022 total views

 5,022 total views Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Kristo. Sa pagninilay para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal nitong Hulyo 9, hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Parish of St.John the Baptist, ideklarang minor basilica

 5,313 total views

 5,313 total views Isabuhay at ipalaganap ang pagiging mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista. Ito ang bahagi ng welcome message ni Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal. Ayon kay Bishop Santos, ang pagtataas sa Parokya ng San Juan Bautista bilang basilika

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

 10,958 total views

 10,958 total views Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan. Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas. Ayon sa MGFI,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Aktor na si Leonardo Di Caprio, nananawagang pangalagaan ang Masungi Geopark

 11,509 total views

 11,509 total views Nakikiisa si Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa panawagang pangalagaan ang Masungi Geopark Project laban sa mga mapaminsalang pag-unlad na nakakaapekto sa itinuturing na protected area. Sa instagram post, hinikayat ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kumilos upang mapaigting at maipagpatuloy ang hangaring mapangalagaan Masungi Geopark laban sa mga

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

 11,784 total views

 11,784 total views Muling hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Tularan si Apostol San Pedro at San Pablo,hamon sa mga mananampalataya

 8,890 total views

 8,890 total views Hinamon ng kura paroko ng Sts. Peter and Paul Parish, Poblacion, Makati City ang bawat isa na patatagin ang pananampalataya katulad ng ipinahayag nina Apostol San Pedro at San Pablo bilang mga tagasunod ni Kristo. Ayon kay Fr. Kristoffer Habal, ang bawat isa ay inaanyayahan na higit pang palalimin ang pananampalataya sapagkat ito

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kaligtasan ng mga bata sa nakakalasong kemikal, pinatutukan ng BAN Toxics

 16,825 total views

 16,825 total views Pinatutukan ng BAN Toxics ang kaligtasan ng mga bata mula sa mga nakalalasong kemikal kasabay ng pagdiriwang sa National Poison Prevention Week 2024. Ayon kay BAN Toxics advocacy and campaign officer Thony Dizon, mahalagang magsimula sa mga tahanan at paaralan ang pangangalaga sa mga bata upang maiwasan ang pagkakalantad sa mga mapanganib na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Social action ministers, hinimok ng CBCP na ire-orient ang priorities

 20,004 total views

 20,004 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang social action ministers na ituon ang pansin sa pagbabago ng lipunan kaakibat ang mga gawaing pagtulong at pag-unlad ng pamayanan. Ayon kay CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, kabilang dito ang mga programa at inisyatibo para sa pulitika, ekonomiya, at kultura. Ginawa ni

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Love is the hallmark of what being a Christian-Bishop Bagaforo

 20,026 total views

 20,026 total views Binigyang-diin ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang kahalagahan ng pag-ibig at habag bilang katangian ng pagiging mabuting Kristiyano. Sa Banal na Misa para sa ikalawang araw ng 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) sa Jaro, Iloilo, ibinahagi ni Bishop Bagaforo na pangunahing tanda ng pagiging tagasunod ni Kristo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top