2-impeachment complaint laban kay VP Duterte, idineklarang “sufficient in substance”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 898 total reads

Idineklara ng House Committee on Justice na ‘sufficient in substance’ ang dalawang impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa parehong botong 54 pabor, isang pagtutol at walang abstention; ay pinagtibay ng komite ang dalawa sa nalalabing reklamo o ang 3rd at 4th complaint na inihain nina Fr. Joel Saballa et al at Atty. Nathaniel Cabrera bilang ‘sufficient in substance’ na una na ring idineklarang ‘sufficient in form’ noong Lunes.

Ang pagtalakay ay pinangunahan ni Justice Committee Chairperson, Batangas Rep. Gerville Luistro.

Si QC Rep. Jesus ‘Bong’ Suntay ang tanging kongresista na hindi pumabor sa impeachment case.

Binigyan naman ng komite ng 10 araw si VP Duterte, para sagutin ang impeachment complaint na isinampa laban sa kaniya.

“In view of the finding of the sufficiency in substance of the two impeachment complaints, I move to issue notice to the Vice President, to the respondent in the impeachment complaints, to file her answer to the impeachment complaints within the non-extendible period of 10 calendar days from receipt of this notice,” ayon naman kay Justice Committee vice chairperson at San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora.

Ang mosyon ay inaprubahan naman ni Luistro, makaraan ang pagsang-ayon at walang pagtutol ng mga miyembro ng panel.

Susunod namang hakbang ang pgsusuri ng komite kaugnay sa mga isinumiteng ebidensya at ang pagtalakay kung sapat ba itong basehan o ‘probable cause’ upang ipagpatuloy ang impeachment laban sa Bise Presidente.

Matapos ito ay uusad ang reklamo sa plenaryo ang inaprubahang Articles of Impeachment at sakaling pagtibayin ng one-third votes ng mga miyembro ng Kamara ay isusumite naman ang kaso sa Senado na tatayo bilang Impeacment court para sa paglilitis.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 9,553 total reads

 9,553 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,988 total reads

 10,988 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 23,729 total reads

 23,729 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 61,107 total reads

 61,107 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 92,377 total reads

 92,377 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 168,106 total reads

 168,106 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 261,186 total reads

 261,186 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,989 total reads

 10,989 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top