Mamamayan, pinaalalahanan ng CBCP-ECHC sa sakit na TB

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 668 total reads

Pinaalalahahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Healthcare ang mamamayan na ang tuberculosis (TB), bagama’t nakahahawa, ay nagagamot at hindi dapat itago o maging dahilan ng pag-iwas sa mga pasyente.

Ayon kay CBCP-ECHC Executive Secretary, Fr. Dan Cancino, MI, kahit sino ay maaaring magkaroon ng TB, anuman ang katayuan sa buhay o lugar na pinagmumulan.

“Ang tuberculosis ay nagagamot, hindi dapat pandirihan at hindi dapat itago. Kahit sino puwedeng magkaroon ng TB — mayaman man o mahirap, taga-Luzon, Visayas o Mindanao. Lahat tayo puwedeng tamaan nito,” ayon kay Fr. Cancino.

Aminado ang pari na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may mataas na kaso ng TB, ngunit iginiit na hindi ito dapat maging dahilan upang mawalan ng pag-asa.

Sa halip, sinabi ni Fr. Cancino, ito’y dapat magsilbing panawagan para sa sama-samang pagkilos ng bawat sektor ng lipunan upang malabanan ang sakit.

Hinimok ng pari ang publiko na magkaroon ng mataas na health-seeking behavior at agad na magpakonsulta lalo na kapag inuubo nang dalawang linggo.

“Pangalagaan natin ang ating kalusugan. Pumunta sa doktor, magpa-check-up po tayo. Kapag tayo’y inuubo ng dalawang linggo, huwag natin pabayaan. Kumonsulta sa pinakamalapit na health center,” payo ni Fr. Cancino.

Dagdag ni Fr. Cancino, kapag nagpositibo sa TB test ay dapat magpa-enroll sa treatment centers upang mabigyan ng libreng gamot mula sa pamahalaan.

Binigyang-diin ng pari na mahalaga ang tuloy-tuloy at tamang pag-inom ng gamot upang tuluyang gumaling at maiwasan ang paglala ng sakit.

“Huwag matakot lumapit at humingi ng tulong. May mga doktor at nurse na handang tumulong. Kapag tuloy-tuloy ang gamutan, babalik ang sigla, babalik ang kalusugan, at babalik ang saya ng pamilya,” saad ni Fr. Cancino.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health – Integrated Tuberculosis Information System (ITIS), halos 200,000 kaso ng tuberculosis ang naitala sa bansa mula Enero hanggang Hunyo 2025.

Samantala, ayon sa ulat ng World Health Organization at DOH, nakatakdang maisailalim sa TB screening ang humigit-kumulang 12 milyong Filipino pagsapit ng 2026 bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,488 total reads

 63,488 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,377 total reads

 142,377 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,822 total reads

 175,822 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,121 total reads

 211,121 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,074 total reads

 435,074 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,388 total reads

 157,388 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top