2 simbahan sa Pilipinas, pinagkalooban ng 1st class relic ni San Isidro Labrador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,419 total views

Dalawang simbahan sa Pilipinas ang kabilang sa 15 simbahan sa mundo na pinagkalooban ng first class relic ni San Isidro Labrador.

Ito ay inisyatibo ng Archdiocese of Madrid, Spain bilang pagtapos sa Jubilee Year sa ika – 400 anibersaryo ng pagiging banal ni San Isidro Labrador.

Kabilang sa pinagkalooban ni Madrid Archbishop Cardinal Carlos Osoro Sierra ng relikya ng santo ang Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Pulilan Bulacan at ang San Isidro Parish- Makiling sa Calamba Laguna.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Shrine Rector at Parish Priest Fr. Dario Cabra,l ikinagalak nito ang pagkapili ng dambana sa Bulacan na isa sa mabibigyan ng relikyang makatutulong mapalago ang debosyon sa santo.

“Nakatutuwa at magandang balita ito na muli tayong makatanggap ng relic ni San Isidro dahil sa kanyang mga halimbawa mas mapalawak natin ang debosyon at sa pamimintuho ng tao ay mas lalalim ang ugnayan sa Panginoon sa tulong panalangin ng santo,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cabral.

Ibinahagi ni Fr. Cabral na unang nakatanggap ng first class relic ng santo ang dambaba sa Bulacan noong nakalipas na taon nang binuksan sa Spain ang Jubilee Year ng santo.

Nagagalak din si San Isidro Labrador-Makling Parish Priest Fr. Francis Eugene Fadul sa pagtanggap ng relikya lalo’t naghahanda ang simbahan sa pagdiriwang ng ika – 25 anibersaryo ng pagkatatag sa 2025 kaya’t karangalang makatanggap ng relikya.

Personal na tinanggap ni Fr. Fadul ang relic habang si Fr. Dennis Pineda, OSA naman ang tumangap para sa dambana sa Pulilan Bulacan.

Ang relic ay mula sa kapirasong balat sa hindi naaagnas na katawan ni San Isidro Labrador na kasalukuyang nakalagak sa Real Colegiata Iglesia de San Isidro sa Spain.

Si San Isidro Labrador ang tinaguriang patron ng mga magsasaka na namatay noong November 30, 1172 at naging ganap na santo ng simbahan noong March 12, 1622 kasama nina San Ignacio de Loyola, San Francisco Javier, Santa Teresa ng Avila at San Felipe Neri.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suriin ang panawagan ng protesta

 3,095 total views

 3,095 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 98,159 total views

 98,159 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 120,222 total views

 120,222 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 135,861 total views

 135,861 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 141,759 total views

 141,759 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top