2026 national budget, nilagdaan ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,970 total reads

Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PHP6.793 trillion National budget para sa taong 2026.

Ginanap ang paglagda sa General Appropriations Act (GAA) para sa fiscal year 2026 sa Ceremonial Hall ng Malacañang.

Kabilang sa mga dumalo sina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Faustino Dy III, Executive Secretary Ralph Recto at ilang miyembro ng Senado at Kamara.

Pinakamalaking pinaglaanan ng pondo ng bansa ang sektor ng edukasyon na nagkakahalga ng P1.34 T; sinundan ng health sector, na may P448-billion, agrikultura sa P297-billion, at social services na nagkakahalaga ng P270-billion.

Ang nilagdaang pambansang budget ay bunga rin ng kauna-unahang ‘open’ bicameral conference meeting ng Kongreso, na tumalakay sa mga probisyong hindi pinagkakasunduan ng dalawang kapulungan.

Kaugnay nito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bineto niya ang P92.5 bilyon, o 38 porsiyento, ng kabuuang P243.4 bilyon na unprogrammed appropriations sa 2026 national budget.

“We acknowledge the support of Congress in limiting the unprogrammed appropriations to essential needs. However, I push further and reduce it to the absolute bare minimum. This shall be at the level lowest since 2019,” ayon sa Pangulo.

Ayon sa Pangulo, “Lastly, to ensure that public funds are expended in clear service of national interest, I vetoed several items of appropriations with their purposes and corresponding special provisions under the UA, totaling almost P92.5 billion.”

Dahil dito, umabot na lamang sa P150.9 bilyon ang unprogrammed appropriations ngayong taon, mas mababa kumpara sa P531.67 bilyon noong nakaraang taon.

Ayon sa Pangulo, ito na ang pinakamababang halaga ng unprogrammed appropriations mula pa noong 2019.

Binigyang-diin ni Marcos na ang unprogrammed appropriations ay hindi maaaring ituring na tsekeng walang limitasyon at hindi papayagan ang maling paggamit nito o ang pagtrato rito bilang alternatibong daan para sa discretionary spending.
Samantala, iginiit ng mga bantay-budget at watchdog groups na ang unprogrammed appropriations ay maituturing na anino ng pork barrel, dahil hindi ito saklaw ng regular budget at maaaring mailabas na may limitadong pananagutan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,446 total reads

 16,446 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 34,323 total reads

 34,323 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 74,211 total reads

 74,211 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 108,338 total reads

 108,338 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,744 total reads

 164,744 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 32,398 total reads

 32,398 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »
Scroll to Top