Manindigan sa katotohanan at mamuhay ng tapat, panawagan ng mga Obispo sa mamamayan 

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,376 total reads

Hinimok ng mga Obispo ng simbahang katolika ang mamamayang Pilipino na manalig sa panginoon , manindigan sa katotohanan at mamuhay ng tapat ngayong 2026.

Ipinagdarasal ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na higit pang manalig sa panginoon ang mga Pilipino dahil hindi nito pababayaan ang kanyang sambayanan.

Ayon sa obispo, bagamat dinanas ng maraming Pilipino ang hirap noong 2025 dahil sa magkakasunod na bagyo, lindol, at mga nabunyag na katiwalian sa pamahalaan ay nananatiling tapat ang Diyos sa kanyang pangako.

Hinikayat din ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na paigtingin ang mas pananalangin at pakikiisa sa simbahan upang sama-samang harapin at mapagtagumpayan ang anumang suliraning kinakaharap ng lipunan.

“Naging mahirap po ang 2025. Maraming lindol, patuloy ang digmaan, tumataas ang mga presyo, at nariyan ang korupsiyon—lantad na lamang tayong nagugulat sa laki ng mga halagang sangkot dito, ngunit lumipas din ang 2025. Ngayon, hindi natin alam kung ano ang dadalhin ng 2026. Ang alam lang natin ay hindi tayo pababayaan ng Diyos, He is Emmanuel, He is God, kaya makakaya po natin ang anumang dadalhin ng taong ito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Habang, nanawagan si Borongan Bishop Crispin Varquez sa mga mananampalataya na pairalin ang katapatan, integridad, at paggalang sa dignidad ng tao sa gitna ng paglaganap ng kasinungalingan at fake news.

Iginiit ng obispo na si Kristo ang ating liwanag at tinatawag ang bawat isa na ipakita ang liwanag na ito sa araw-araw na pamumuhay sa pagpili ng katapatan kahit mas madali ang pandaraya, pamumuhay nang may integridad sa kabila ng umiiral na korapsyon, at matatag na pagtatanggol sa dangal ng bawat tao.

Sinabi ni Bishop Varquez na responsibilidad ng mamamayan na maghanap ng katotohanan mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian at mismong pinanggagalingan ng impormasyon, sa halip na umasa sa bayad na social media narratives at pekeng balita.

Ayon sa obispo, ang maling impormasyon ay hindi lamang nakalilinlang kundi nakapipinsala rin sa lipunan at sa demokrasya.

“Christ is our light. He calls us to reflect that light in our own little ways: by choosing honesty when dishonesty seems easier, by living integrity when corruption surrounds us, by defending the dignity of the human person, by refusing to participate in any forms of moral compromise, by seeking the truth from reliable sources and firsthand information, not from paid social media narratives and fake news,” ayon naman sa mensaheng pinadala ni Bishop Varquez sa Radyo Veritas.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,463 total reads

 16,463 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 34,339 total reads

 34,339 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 74,227 total reads

 74,227 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 108,354 total reads

 108,354 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,760 total reads

 164,760 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top