Isabuhay ang kababaang-loob, panawagan ni Archbishop Uy sa mga sambayanang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,132 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na paigtingin ang buhay panalangin, isabuhay ang kababaang-loob, at panatilihin ang pagkakaisa upang higit na maunawaan ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon, kasabay ng paglulunsad ng Bamboo Church Project ng St. Vincent Ferrer Chaplaincy sa Barangay Cabawan, Tagbilaran City.

Ipinaliwanag ni Archbishop Uy na tulad ng Tatlong Pantas sa Ebanghelyo, kinakailangang sundin ng tao ang liwanag na gumagabay patungo kay Hesus upang maunawaan ang tunay na pag-ibig ng Diyos.

“Ang taong marunong magpakumbaba ay nakauunawa sa pag-ibig ng Diyos. Ang taong hindi marunong magpakumbaba, tulad ni Herodes, ay hindi nakauunawa sa pag-ibig ng Diyos,” pahayag ni Archbishop Uy.

Binigyang-diin pa ni Archbishop Uy na inihayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa sanlibutan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ni Hesukristo at ng Kanyang pakikiisa sa buhay ng sangkatauhan, lalo na sa gitna ng pagdurusa.

Ayon sa arsobispo, ang paglulunsad ng Bamboo Church Project ay hindi lamang pagtatayo ng gusali kundi isang kongkretong pagpapahayag ng pag-ibig ng tao sa Diyos.

Aniya, ang simbahan ay ang sambayanan ng Diyos, kaya’t mahalaga ang pagpapatatag ng ugnayan ng mga mananampalataya bilang isang buhay na Kristiyanong pamayanan.

“Ang Simbahan ay ang sambayanan ng Diyos; ang ating misyon ay patatagin, palaguin, at paunlarin ang Kristiyanong pamayanan dito sa Cabawan,” dagdag pa ng arsobispo.

Itinampok din ni Archbishop Uy ang proyekto bilang anyo ng pananampalatayang may malasakit sa kalikasan.

Ayon sa kanya, ang paggamit ng kawayan sa pagtatayo ng simbahan ay pagsasabuhay ng pananagutan ng tao sa pangangalaga sa sangnilikha na ipinagkatiwala ng Diyos.

“Ihayag natin ang ating pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pangangalaga sa Kanyang kalikasan. Ang kawayan ay isa sa pinakamabisang sumisipsip ng carbon at malaking tulong sa paglaban sa global warming,” giit ni Archbishop Uy.

Binanggit din ng arsobispo na mula nang siya’y manungkulan bilang obispo ng Tagbilaran sa loob ng walong taon, madalas niyang binibisita ang Cabawan dahil sa mga inisyatiba ng pamayanan sa pagtatanim ng mga puno na isang pamana para sa susunod na henerasyon na magbibigay lilim, preskong hangin, at mas maayos na kapaligiran.

Ang itatayong Bamboo Church ang kauna-unahan sa lalawigan ng Bohol at inaasahang magkakaroon ng kapasidad na hanggang 1, 500 katao.

Ang proyekto ay pangungunahan ni Fr. Gerardo Saco katuwang, Tagbilaran Administrator at Vicar General katuwang si St. Vincent Ferrer Assistant Chaplain Fr. BGen (retired) Raul S. Ciño na idinisenyo ng arkitektong si Erven Digal, at sinusuportahan ng United Bohol Bamboo Advocates, Inc.

Inaasahang magsisilbing huwaran ang proyekto ng Bamboo Church sa pagsasanib ng pananampalataya, pagkakaisa ng pamayanan, at pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 31,828 total reads

 31,828 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 67,833 total reads

 67,833 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 121,668 total reads

 121,668 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 183,660 total reads

 183,660 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 251,402 total reads

 251,402 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top