2nd collection para sa mga biktima ng Luzon quake, isasagawa ng Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 614 total views

Magsasagawa ng special collection ang Diocese of Kidapawan sa lahat ng misa sa July 31 para sa mga nasalanta ng 7.3 magnitude na lindol sa Northern Luzon.

Apela ni Bishop Jose Colin Bagaforo sa lahat ng mga kura paroko at mananamapalataya na ipadama ang diwa ng pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa mga biktima ng sakuna.

Nakiisa ang diyosesis sa mga apektado ng lindol lalo sa Abra na labis ang pinsalang tinamo.

“In the spirit of communion and solidarity with our brothers and sisters who are suffering because of the recent earthquake that affected the North western Luzon particularly in Ilocos provinces, Abra, Tabuk-Kalinga and Mountain Province, I am appealing for your generosity and kindness,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Batid ng obispo ang mahirap na karanasan ng mga biktima ng lindol dahil minsan napinsala ang diyosesis ng malakas na pagyanig noong 2019.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na sa halip ilaan para sa seminaryo ng diyosesis ang makakalap na pondo ay ibibigay ito sa mga nasalantang diysoesis sa Northern Luzon.

Sinabi ng obispo na maaaring dalhin sa Diocesan Financce Office sa lalong madaling panahon ang makakalap na donasyon upang agad na maipadala sa nangangailangang diyosesis.

Sa datos ng Philvocs sentro ng 7.3 magnitude na lindol ang Abra kung saan sampung katao na ang naitalang nasawi.

Ilan sa mga kilalang lumang simbahan sa lugar ang napinsala tulad ng Sta. Catalina de Alexandria Church at San Lorenzo Ruiz Shrine sa Abra, Vigan Cathedral at St. John the Baptist Church sa Ilocos Sur na pawang kinikilala ng pamahalaan na may malaking ambag sa kasaysayan ng bansa.

Patuloy naman ang assessment ng social action ministries ng mga diyosesis para sa lawak ng pinsalang tinamo upang makapagbalangkas ng hakbang sa rehabilitasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 10,671 total views

 10,671 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 40,894 total views

 40,894 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 67,545 total views

 67,545 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 162,518 total views

 162,518 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 183,171 total views

 183,171 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top