3 Marian shrines, itinalagang national shrines ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,682 total reads

Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang tatlong marian shrines bilang national shrine.

Sa unang araw ng 129th plenary assembly ng mga obispo nitong January 25 sa Seda Hotel Nuvali, Sta. Rosa Laguna sinang-ayunan nito ang pagtalagang national shrine ng Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu sa San Mateo Rizal na bahagi ng Diocese of Antipolo, dalawa naman mula sa Archdiocese of Manila ang Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine at ang Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto.

Sa kasaysayan ang dambana ng Nuestra Señora de Aranzazu ay itinatag ng mga Agustinong misyonero noong 1596 at August 29, 1659 naitatag ang unang parokya na itinalagang patron si San Mateo subalit taong 1705 sa pangunguna ni Jesuit priest, Fr. Juan Echazabal sinimulan ang debosyon sa Lady of Aranzazu mula Spain na kalauna’y naging bagong patron ng parokya.

June 2004 nang maging diocesan shrine ang dambana habang June 2013 nang gawaran ng episcopal coronation ang imahe.

Nagpapasalamat naman si EDSA Shrine Rector Fr. Jerome Secillano sa CBCP sa pagkilalang national shrine sa dambanang naging saksi sa pinakamapayapa at tinaguriang bloodless People Power Revolution ng bansa noong 1986.

Itinatag naman ni Spanish Franciscan priest Fr. Blas de la Madre de Dios ang simbahan ng Our Lady of Loreto sa Sampaloc Manila habang idinambana ang Nuestra Señora de Loreto noong May 1, 1613.

Makaraan ang mga digmaan at kalamidad muling naitayo ang simbahan noong November 22, 1958 at itinalaga sa Our Lady of Loreto kung saan December 5, 2002 nang gawing Archdiocesan Shrine habang March 23, 2023 nang aprubahan ng Lungsod ng Maynila ang Nuestra Señora de Loreto bilang patrona ng Sampaloc District.

December 2023 nang gawaran ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ng episcopal coronation at December 10, 2024 naman ng pangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang canonical coronation sa imahe kasabay ng deklarasyong pagkakaroon ng Special Bond of Spiritual Affinity sa Papal Basilica of Sancta Maria Maggiore sa Roma.

Sa kabuuan mayroong 33 national shrine sa Pilipinas kabilang ang tatlong bagong talaga ng CBCP.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,568 total reads

 20,568 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,695 total reads

 20,695 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 37,108 total reads

 37,108 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,514 total reads

 93,514 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 217,015 total reads

 217,015 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,582 total reads

 300,582 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top