5-libong bata, napakain ng HAPAG-ASA sa Marawi City

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,116 total reads

Umaabot na sa 5-libong mga bata ang napapakain ng Hapag-asa Integrated Nutrition Program sa Marawi City.

Ito ang tiniyak ni Hapag-asa Program Manager Angie Sapitula-Evidente simula ng ilunsad ang mga feeding program sa lungsod noong September 2022.

Bagamat malayo pa mula sa target na 15-libong mga bata ang mapakain ay nagtitiwala si Evidente na bago magtapos ang 2023 ay makakamit ito.

“So this is a part of the ‘Build Back Marawi’ and we are trying to target all the elementary schools in Marawi, namahagi tayo dito ng mga ating food commodoties na Manna Pack that the parents of the Children in school will help prepare this Manna Packs to be fed to their children,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Evidente.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Hapag-asa sa lokal na pamahalaan dahil bukod sa Pondo ng Pinoy at Assisi Foundation, katuwang din sa feeding programs ang Seaoil Foundation, Gawad-Kalinga at Department of Education.

Ayon pa kay Evidente, mananatiling handa ang Hapag-asa sa kabila ng pansamantalang pagtigil ng mga feeding programs sa Marawi ng dahil sa pagsisimula ng Ramadan sa March 22.

“But after, because of some construction in the central kitchen, their target after Ramadan is to reach that 15-thousand target plus more, that’s why pinamigay na nila’t ibinahagi na nila yung mga Manna Packs in the different schools and sa ngayon katulong nung mothers na naghahanda yung mga teachers,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Evidente.

Magugunitang 2017 ng maganap ang digmaan sa Marawi City sa pagitan ng sandatahang lakas ng Pilipinas laban sa Maute terrorist group kung saan 360-libong nawalan ng tirahan.

Batay sa datos ng Marawi City Government noong, mula sa populasyong aabot ng 200-libo, 5% sa bilang ay pawang mga malnourished children.

Habang Noong July 2022 batay sa datos ng “Task Force Bangon Marawi ” , sa kabila ng pagpapatuloy ng Marawi Rehabilitations Efforts, ay umaabot parin sa mahigit 84-libo ang walang tirahan na katumabas ng 17-libong pamilya.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,057 total reads

 21,057 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,184 total reads

 21,184 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 37,938 total reads

 37,938 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 94,344 total reads

 94,344 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 217,845 total reads

 217,845 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 301,361 total reads

 301,361 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 52,336 total reads

 52,336 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top