Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

7-pitong pulis na dawit sa pagkamatay ng altar boy na si Dion Angelo dela Rosa, dinismis sa serbisyo

SHARE THE TRUTH

 13,211 total views

Ipinag-utos ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang ‘dismissal from service’ ng mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng 13-taong gulang na si Dion Angelo “Gelo” dela Rosa na isang altar boy sa ilalim ng Diyosesis ng Kalookan.

Personal na dumalo sa pagdinig si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David at NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Calinisan, na parehong nagpahayag ng matinding pag-aalala sa naging kinahinatnan ng binata at sa umano’y kapabayaan sa proseso ng pag-aresto sa ama nito, si Jayson dela Rosa.

Ayon sa imbestigasyon, inaresto ng mga pulis si dela Rosa sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan kung saan dahil sa walang kaalam-alam ang kanyang pamilya sa kanyang kinaroroonan ay napilitan ang anak nitong si Gelo na suungin ang bahang lampas tuhod upang hanapin ang ama na dahilan naman upang siya ay magka-leptospirosis na kanyang ikinamatay kalaunan.

“We decided all those involved in this Caloocan incident will be dismissed from the service,” Bahagi ng pahayag ni Atty. Calinisan.

Sa pagdinig, iginiit ni Cardinal David na ang nangyari ay isang trahedyang hindi dapat nangyayari sa isang lipunang nagtataguyod ng dignidad ng bawat tao, at mariing hiniling na mapanagot ang lahat ng mga may sala.

Inilarawan naman ni Commissioner Calinisan ang naging desisyon bilang isang ‘necessary accountability measure,’ upang maipakita na hindi kukunsintihin ng NAPOLCOM ang anumang pang-aabuso o kapabayaan ng mga nasa serbisyo.

“The findings reveal a clear abuse of power and a blatant disregard for due process and human rights. Such actions have no place in the police service…” Dagdag pa ni Atty. Calinisan.

Kasama sa mga pinatawan ng kaparusahan ang 7-pulis Caloocan na ayon sa imbestigasyon ay nagkulang sa tamang dokumentasyon, koordinasyon, at pagsunod sa protocol sa pag-aresto na pawang mga pagkukulang na nagresulta sa serye ng mga pangyayari na naglagay sa binatang si Gelo sa panganib.

Una ng nagpahayag ang komunidad ng parokya at pamilya dela Rosa ng pasasalamat sa mabilis na aksyon at pagtugon ng Simbahan at mga kinauukulan upang mabigyan ng katarungan ang sinapit ni Gelo, na kilala sa kanilang lugar bilang masipag na sakristan at tapat na lingkod ng Simbahan.

Patuloy namang nananawagan ang Simbahan at mga faith-based groups para sa mas malalim na reporma sa mga pulis na mga tagapagpatupad ng batas, lalo’t higit sa pagtatanggol ng karapatan ng mga bata at ng mga mahihirap na kadalasang naaapektuhan ng mga maling proseso at pang-aabuso ng kapangyarihan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 20,587 total views

 20,587 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 36,759 total views

 36,759 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 76,470 total views

 76,470 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 136,928 total views

 136,928 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 149,220 total views

 149,220 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

 14,270 total views

 14,270 total views Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top