Reporma, pananagutan at common good, hamon ni Cardinal Advoncula sa mga layko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,252 total reads

Nanawagan ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula para sa reporma, pananagutan, at kabutihang panlahat.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Cardinal na ibinahagi ni Rev. Fr. Jerome Secillano na siyang Minister ng Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila at rector ng EDSA Shrine para sa 1st Good Governance Summit na pinangunahan ng One Godly Vote – C.A.R.E. at ng Public Affairs Ministry ng arkidiyosesis.

Sa harap ng mga lay leaders, barangay leaders, at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang mabuting pamamahala ay hindi lamang tungkuling politikal kundi isang moral at espirituwal na pananagutan.

Ayon sa Cardinal ang mabuting pamamahala o good governance ay naka-ugat sa likas na kabutihan ng tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.

“Ang good governance o responsableng pamamahala ay naka-ugat o mahigpit na kaugnay ng dangal ng tao. Nilikha tayong kalarawan at kawangis ng Diyos. Likas sa atin ang mamuhay ng marangal, matuwid, at mabuti. Hindi tayo nilikhang masama o alagad ng kadiliman. Ginawa Niya tayong katiwala at kamanlilikha sa lahat ng Kaniyang mga ginawa.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Paliwanag ng Cardinal ang katiwalian ay hindi lamang paglabag sa batas ng tao kundi pagyurak sa dignidad na ipinagkaloob ng Diyos.

Giit ni Cardinal Advincula, kapag nagnanakaw ang isang opisyal o hindi nagiging tapat sa serbisyo ay dinudungisan nito ang larawan ng Diyos sa kaniyang buhay.

“Kailangang maramdaman ng bawat isa sa atin na kapag nagnanakaw ang isang opisyal ng gobyerno o kapag hindi siya tapat sa kaniyang serbisyo, ito ay pagyurak o kawalan ng respeto una sa kaniyang sarili at pangalawa sa ating lahat. Kapag hindi ginagawa ng tao ang tama, sa pulitika man o sa ibang larangan, dinudungisan niya ang larawan ng Diyos sa kaniyang buhay.” Dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Samantala, nagbigay naman si Cardinal Advincula ng tatlong pangunahing gabay para sa sinumang nagnanais magsulong ng tunay na reporma.
Pagbabahagi ng Cardinal, mahalaga ang dangal, pananagutan, at misyon ni Kristo bilang pangunahing gabay lalo na para sa mga lingkod bayan na dapat ay ganap na nagsusulong ng kapakanan at kabutihan ng mamamayan.

Nagpaabot naman ng panalangin si Cardinal Advincula para sa pagbabalik-loob ng mga lider na naligaw ng landas, maging sa pamahalaan o sa Simbahan.
Ayon sa Cardinal, nawa ay muling pakinggan ng bawat isa ang tinig ng Diyos at muling bumalik sa landas ng Panginoon.

“Sama-sama tayong magdasal para sa pagbabalik-loob ng mga naligaw ng landas. Nawa’y mahanap ng Mabuting Pastol ang mga naligaw na tupa at mga naging tiwali na katiwala. We pray for the conversion of hearts of our leaders not just in politics but even in our churches as well. It is about time that we stop saying, “Mahiya naman kayo.” Let us appeal more to their inner sense of God and say, “Makonsiyensa naman kayo.” Pakinggan niyo naman ang tinig ng Diyos sa inyong kalooban.” Ayon pa kay Cardinal Advincula.

Pinasalamatan din ng Cardinal ang mahigit sa 100 mga dumalo sa kauna-unahang Good Governance Summit mula sa iba’t ibang parokya at barangay na nasasakop ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Idinaos ang 1st Good Governance Summit sa San Andres Sports Complex ngayong ika-29 ng Nobyembre, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 139,120 total reads

 139,120 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 213,419 total reads

 213,419 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 246,869 total reads

 246,869 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 282,167 total reads

 282,167 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 503,264 total reads

 503,264 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top