Manatiling simbolo ng tapang at pagkakaisa, mensahe ni PBBM sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,592 total reads

Pangulong Marcos sa ika-162 kaarawan ni Gat. Bonifacio:
“Isapuso ang tungkuling wala nang hihigit pa sa pag-ibig sa Inang Bayan”

Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nanatiling simbolo ng tapang at pagkakaisa ng Filipino si Gat Andres Bonifacio.

Ito ang mensahe ng Pangulo kasabay na rin ng pagdiriwang ng buong bansa ng ika-162 kaarawan ng tanyag na bayani ng bansa.

Ayon sa Pangulo, tinuruan ni Bonifacio ang mamamayan ng bansa na lumaban sa pang-aapi at pahalagahan ang kalayaan.

“Bagaman higit isang siglo na ang nakalipas, patuloy siyang nagbibigay-inspirasyon sa bawat isa sa atin, at pinangingningas rin ng kanyang alaala ang ating determinasyong pangalagaan ang kasarinlan kanyang ipinaglaban noon at ating pinahahalagahan ngayon,” ayon sa mensahe ng Pangulong Marcos.

Gayundin ang pagbibigay halaga sa naging tungkulin ng Katipunan na itinatag ni Bonifacio upang makamit ang kasarinlan ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na ang tunay na kabayanihan ni Bonifacio ay nakaugat sa kanyang pagmamahal sa bayan at sa paghahangad ng mas magandang kinabukasan para sa mga Pilipino.

Kaya’t panawagan ang Pangulo na ipagpatuloy ng bawat mamamayan ang malasakit sa bayan at ang pakikipagtulungan para sa isang maunlad at mapayapang Pilipinas.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, “Tulad ni Gat Andres, pangalagaan natin ang ating dangal at manatiling puspos ng kadakilaan sa mga gawaing para sa ikabubuti ng lahat. Buong-lugod nating isapuso ang tungkuling wala nang hihigit pa sa pag-ibig sa ating Inang Bayan.”

Kasabay nito, nagtitipon naman sa kasalukuyan ang maraming mga Pilipino sa Edsa People Power Monument at sa Luneta, bilang pagtutol ng mamamayan laban sa umiiral na katiwalian sa bansa.

Ang pagkilos sa Edsa o ang Trillion Peso March na pinapangunahan ng simbahan, ay suportado ng 86 na diyosesis at arkidiyosesis sa bansa, kung saan sabay na ginaganap ang pagkilos sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 43,873 total reads

 43,873 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 78,548 total reads

 78,548 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 107,376 total reads

 107,376 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 143,858 total reads

 143,858 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 159,369 total reads

 159,369 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top