Diocese of Malaybalay, pangungunahan ang lokal na bersyon ng One Trillion Peso march

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,286 total views

Inihayag ng Diyosesis ng Malaybalay ang aktibong pagtugon sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) na makibahagi sa nationwide Trillion Peso March laban sa talamak na katiwalian sa bansa.

Ipinahayag ni Malaybalay Bishop Noel Pedregosa ang pakikilahok ng diyosesis sa Prayer Protest Rally sa darating na Nobyembre 30, 2025 sa pamamagitan ng lokal na pagsasagawa ng prayer rally sa San Isidro Cathedral at magpapatuloy sa Plaza Rizal sa syudad ng Malaybalay.

Inanyayahan rin ni Bishop Pedregosa ang lahat ng mga pari, layko, consecrated persons, at iba’t ibang religious organizations sa diyosesis upang sama-samang manindigan para sa katarungan, integridad, at pananagutan sa pamahalaan.

“In response to the call of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) to collaborate with the Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT), I am inviting you to attend the Prayer Protest Rally on November 30, 2025, THE TRILLION PESO MARCH. This will start at the San Isidro Cathedral and continue at Plaza Rizal in the City of Malaybalay.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Pedregosa.

Paliwanag ng Obispo, bahagi ng tungkulin ng bawat Kristiyano ang pagsusulong ng tunay na demokrasya kung saan dapat ay mayroong papanagutan ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na umaangkin sa kaban ng bayan.

“In the spirit of true Democracy and in the light of our Christian faith, let us express our humble appeal to the authorities in power to impose proper punishment on all corrupters to bring justice to the trillions of money they have stolen from. in the body.” Dagdag pa ni Bishop Pedregosa.

Inatasan din ni Bishop Pedregosa ang bawat parokya at religious organization na magpadala ng 5 hanggang 10 delegado habang hinihikayat din ang paglalagay ng mga flaglets sa mga tahanan at establisyemento.

Giit ng Obispo, ang laban kontra katiwalian ay hindi lamang panawagan sa pamahalaan, kundi paanyaya rin sa bawat mananampalataya upang patuloy magkaisa sa paninindigan sa pagsusulong ng kabutihan at paghilom ng lipunan.

“Ultimately, this movement may also inspire us to examine ourselves in order to experience personal transformation. We cannot be credible to call for accountability and transparency to the corrupt if we ourselves do not try to do what we say.” Paalala ni Bishop Pedregosa.

Ayon sa mga nangangasiwa ng gawain, magsisimula ang Prayer Protest Rally ng Diyosesis ng Malaybalay sa San Isidro Cathedral sa ganap na 11:45 ng umaga sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal na Misa na pamumunuan ni Msgr. Cirilo “Loloy” Sajelan.

Susundan naman ito ng kilos-panalangin patungong Plaza Rizal sa Malaybalay City, kung saan isasagawa ang dalawang-oras na programang naglalayong gisingin ang bayan upang maging mapanuri, makilahok sa demokratikong proseso, at ipanindigan ang katotohanan sa harap ng lumalalang katiwalian.

Hinihikayat naman ang lahat ng mga dadalo na magsuot ng puti bilang simbolo ng kapayapaan at integridad; magdala ng streamers na nakasulat sa puting tela o biodegradable materials sa halip na mga tarpaulin; at maghanda ng payong o sombrero bilang pananggalang sa init o ulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,268 total views

 46,268 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,137 total views

 42,137 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,339 total views

 78,339 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 87,074 total views

 87,074 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,484 total views

 112,484 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top