Kinalabasan ng COP30 summit, binatikos ng Living Laudato Si’ Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,908 total views

Binatikos ng Living Laudato Si’ Philippines ang naging daloy at kinalabasan ng ginanap na 30th United Nations Climate Change Conference of Parties o COP30 Summit sa Belém, Brazil, matapos mabigong maihatid ang kinakailangang “paradigm shift” sa pagharap sa lumalalang krisis sa klima.

Ayon kay LLS Philippines Executive Director Rodne Galicha, malinaw ang pagkakalayo ng pananaw ng COP30 sa panawagan ni Pope Francis sa apostolic exhortation na Laudate Deum, na nagtatakda ng makatao, makatarungan at maka-Diyos na pananagutan ng pandaigdigang komunidad.

Iginiit ni Galicha na kulang sa agarang pagtugon at pananagutan ang naging tugon ng mga delegado, taliwas sa hinihinging solusyong epektibo, may obligasyon, at madaling masubaybayan, na dapat nakabatay sa moral na tungkulin ng bawat bansa.

“COP30 was an opportunity to bring the necessary paradigm shift, the change of focus, courage, and clarity towards the climate crisis. It did not deliver that paradigm shift. Pope Francis proposed three measures that are central to climate talks, and that have largely gone unimplemented: ‘drastic, intense and count on the commitment of all’,” pahayag ni Galicha.

Binigyang-diin ng LSS Philippines ang mahalagang papel ng faith-based at Catholic organizations sa pagpapaigting ng makatarungang climate action, lalo na sa pagsasabuhay ng katarungan at pagkakapantay-pantay alinsundo sa sa Laudate Deum.

Sinabi ni Galicha na ang COP30 ay parehong pagkakataon at hamon para sa 1.4 bilyong Katoliko sa buong mundo upang higitan ang simpleng paniniwala at isabuhay ang konkretong pagkilos batay sa makataong pananagutan.

“It is time for the Catholic community to take collective action for climate justice and advocate for the most vulnerable communities and ecosystems. Calls to accountability through genuine sustainable grassroots mobilization is needed, grounded in the responsibility and faith we share,” ayon kay Galicha.

Binanggit niya ang paalala ni Pope Leo XIV na hindi lamang dapat pangalagaan ang daigdig kundi maging masigasig na tagapagtaguyod ng katarungang pangklima, lalo na sa Global south at Amazon.

Kabilang din dito ang panawagan para sa tunay na pagkakaisa at aktibong pakikilahok bilang mamamayan, at hindi pagiging tahimik.

Pinaniniwalaan ni Galicha na dapat manguna ang Holy See bilang moral na tinig sa negosasyon, habang nananatiling hamon sa milyun-milyong Katoliko ang pagsasakatuparan ng konkretong pagkilos para sa climate justice.

“The Holy See must lead the way as one of the strongest moral voices in the negotiations and the challenge remains for the 1.4 billion Catholics to take action in the peripheries, demand climate justice and rally with the communities we serve and ecosystems we protect,” saad ni Galicha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,160 total views

 46,160 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,029 total views

 42,029 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,231 total views

 78,231 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,966 total views

 86,966 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,379 total views

 112,379 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top