Ibalik ang kultura ng pagmamalasakit sa kapwa, panawagan ng kura-paroko ng Quiapo church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,155 total views

Nanawagan si Fr. Ramon Jade Licuanan, rektor at kura paroko ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, na ibalik ng mga Pilipino ang “tunay na malasakit” sa kapwa na isang katangiang unti-unting nawawala sa lipunan.

Ito ang sentro ng mensahe ng pari sa kauna-unahang National Balangay Conference na ginanap sa Cuneta Astrodome noong November 26.

“Kung may malasakit tayo, hayaang makita ng lahat ang Poong Jesus Nazareno, lalo na ang mga mahihina,” ani Fr. Licuanan, sabay paalala sa mga kasapi ng balangay na tulungan ang isa’t isa sa pag-aalalay sa mga debotong dadalo sa Traslacion.

Binanggit ng pari na ang “tunay na deboto” ay hindi humaharang sa imahe ng Nazareno, kundi nangunguna sa pagpapakilala sa Kanya.

Dismayado rin ang pari sa kawalan ng malasakit sa iba’t ibang aspeto ng lipunan, lalo na sa katiwalian.

“Kapag may malasakit tayo sa ating kababayan, hindi tayo kukuha ng kaban ng bayan para sa sariling kapakanan,” giit ng pari.

Hinimok ni Fr. Licuanan ang mga Pilipinong pinanghihinaan ng loob na tumingin sa imahe ng Jesus Nazareno, na nagpapakita ng pagbangon sa gitna ng hirap at pasanin.

Binigyang diin niyang sa anumang pagsubok, hindi dapat kumapit ang tao sa kasamaan.

“Huwag nating ipagpalit ang kaluluwa natin… sa samantalang kaginhawahan o kasamaan,” saad ni Fr. Licuanan.

Hinamon din ng pari ang mga deboto na magbuklod sa paglilingkod sa Jesus Nazareno at tingnan ang Mahal na Birheng Maria bilang huwaran ng pagiging disipulo at pagkakaisa.

Tinatayang 4,000 deboto mula sa iba’t ibang balangay sa buong bansa ang dumalo sa pagtitipon, kasama sina Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano at Rep. Antonino Calixto.

Nagbahagi rin ng kanilang karanasan ng debosyon sina newscaster Jiggy Manicad at Feast International Builder Roberto Cabrillas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 32,889 total views

 32,889 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 61,240 total views

 61,240 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 128,970 total views

 128,970 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 152,121 total views

 152,121 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 219,881 total views

 219,881 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top