Malawakang kilos-protesta, isasagawa ng Diocese of Malolos sa Bonifacio day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,120 total views

Makiisa ang Diocese of Malolos sa malawakang pagkilos laban sa lumalalang katiwalian sa bansa sa pamamagitan ng programang “Papanatag ang Sambayanan” na gaganapin sa Nobyembre 30.

Layunin nitong manawagan ng pagbabalik-loob, integridad, at pananagutan sa harap ng patuloy na sistemikong korapsyon sa pamahalaan.

“We join the call for accountability, good governance, and genuine concern for the Filipino people,” pahayag ng diyosesis.

Sa kanilang pastoral statement noong Setyembre 17, mariing kinondena ng diyosesis ang talamak na anomalya sa multibillion-peso flood control projects, kabilang ang mga programang nakaaapekto sa Bulacan na naging sentro ng imbestigasyon.

Giit ng diyosesis ang ganitong klaseng katiwalian ay isang matinding kawalang-katarungan na naglalagay sa panganib sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan.

“We strongly condemn fake and substandard infrastructure projects funded by public money yet left unbuilt or poorly executed,” anila, binigyang-diin na ang mga flood control ay hindi nakapoprotekta sa mga komunidad at sa halip ay nakapagpapalala ng pagbaha sa lalawigan.

Magsisimula ang pagtitipon sa Our Lady of Mount Carmel Parish Church (Barasoain Church) sa Malolos City sa ganap na ala-una ng hapon, na susundan ng prayer walk patungong Minor Basilica and Cathedral of the Immaculate Conception (Malolos Cathedral).

Dito isasagawa ang banal na misa sa ganap na alas-dos ng hapon sa pangunguna ni Bishop Dennis Villarojo na susundan ng isang maikling programa na magbibigay-daan sa pagbabahagi ng mga mensahe mula sa iba’t ibang sektor hinggil sa panawagan para sa pananagutan at mabuting pamamahala.

“Through this movement, we seek to transform protest into prayer and indignation into hope for national renewal,” ayon pa sa pahayag ng diyosesis.

Ang “Papanatag ang Sambayanan” ay pagpapakita rin ng pakikiisa ng diyosesis sa “Trillion Peso March,” ang malawakang kilos-protesta na inorganisa ng mga civic organizations katuwang ang Simbahang Katolika, na isasagawa sa EDSA People Power Monument sa Quezon City sa parehong araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 2,390 total views

 2,390 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 35,472 total views

 35,472 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 63,823 total views

 63,823 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 131,553 total views

 131,553 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 154,507 total views

 154,507 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top