7-pitong pulis na dawit sa pagkamatay ng altar boy na si Dion Angelo dela Rosa, dinismis sa serbisyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,931 total views

Ipinag-utos ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang ‘dismissal from service’ ng mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng 13-taong gulang na si Dion Angelo “Gelo” dela Rosa na isang altar boy sa ilalim ng Diyosesis ng Kalookan.

Personal na dumalo sa pagdinig si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David at NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Calinisan, na parehong nagpahayag ng matinding pag-aalala sa naging kinahinatnan ng binata at sa umano’y kapabayaan sa proseso ng pag-aresto sa ama nito, si Jayson dela Rosa.

Ayon sa imbestigasyon, inaresto ng mga pulis si dela Rosa sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan kung saan dahil sa walang kaalam-alam ang kanyang pamilya sa kanyang kinaroroonan ay napilitan ang anak nitong si Gelo na suungin ang bahang lampas tuhod upang hanapin ang ama na dahilan naman upang siya ay magka-leptospirosis na kanyang ikinamatay kalaunan.

“We decided all those involved in this Caloocan incident will be dismissed from the service,” Bahagi ng pahayag ni Atty. Calinisan.

Sa pagdinig, iginiit ni Cardinal David na ang nangyari ay isang trahedyang hindi dapat nangyayari sa isang lipunang nagtataguyod ng dignidad ng bawat tao, at mariing hiniling na mapanagot ang lahat ng mga may sala.

Inilarawan naman ni Commissioner Calinisan ang naging desisyon bilang isang ‘necessary accountability measure,’ upang maipakita na hindi kukunsintihin ng NAPOLCOM ang anumang pang-aabuso o kapabayaan ng mga nasa serbisyo.

“The findings reveal a clear abuse of power and a blatant disregard for due process and human rights. Such actions have no place in the police service…” Dagdag pa ni Atty. Calinisan.

Kasama sa mga pinatawan ng kaparusahan ang 7-pulis Caloocan na ayon sa imbestigasyon ay nagkulang sa tamang dokumentasyon, koordinasyon, at pagsunod sa protocol sa pag-aresto na pawang mga pagkukulang na nagresulta sa serye ng mga pangyayari na naglagay sa binatang si Gelo sa panganib.

Una ng nagpahayag ang komunidad ng parokya at pamilya dela Rosa ng pasasalamat sa mabilis na aksyon at pagtugon ng Simbahan at mga kinauukulan upang mabigyan ng katarungan ang sinapit ni Gelo, na kilala sa kanilang lugar bilang masipag na sakristan at tapat na lingkod ng Simbahan.

Patuloy namang nananawagan ang Simbahan at mga faith-based groups para sa mas malalim na reporma sa mga pulis na mga tagapagpatupad ng batas, lalo’t higit sa pagtatanggol ng karapatan ng mga bata at ng mga mahihirap na kadalasang naaapektuhan ng mga maling proseso at pang-aabuso ng kapangyarihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 200,255 total views

 200,255 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 230,478 total views

 230,478 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 257,123 total views

 257,123 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 352,096 total views

 352,096 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 360,139 total views

 360,139 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top