Bishop Bagaforo, itinalagang Co-President ng Pax Christi International

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 52,006 total reads

Itinalaga si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang bagong Co-President ng Pax Christi International para sa taong 2025–2028.

Naihalal si Bishop Bagaforo na siya ring bagong chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Interreligious Dialogue kasunod ng naganap na pagtitipon para sa ika-80 anibersaryo ng Pax Christi International na isang pandaigdigang kilusan sa Florence, Italy.

Ang Pax Christi International ay isang kilusang Katoliko para sa kapayapaan at Gospel non-violence na may natatanging papel sa Pilipinas ngayon lalo na habang patuloy na dumaranas ang bansa ng kawalan ng katarungan, pagkasira ng kalikasan, at matitinding alitan sa lipunan.

Ang pagkakahalal kay Bishop Bagaforo ay maituturing ding napapanahon ngayong patuloy na humaharap ang Pilipinas sa matinding pangamba kaugnay sa laganap na katiwalian sa pamahalaan, paghina ng mga demokratikong institusyon, at pangangailangan ng moral na pamumuno sa pamahalaan at lipunan.

Bilang dating Pangulo ng Caritas Philippines, si Bishop Bagaforo ay kilala sa kanyang matatag na paninindigan para sa mahihirap at sa pagsusulong ng mabuting pamamahala.
Kabilang din ang Obispo sa mga pangunahing nagsulong at tinig sa likod ng Trillion-Peso March Movement (TPMM) na nanawagan para sa katotohanan, pananagutan, at isang pamahalaang hindi tiwali kundi tapat na naglilingkod para sa kabutihan ng sambayanan.

Sa mensahe ng pagtanggap ni Bishop Bagaforo para sa kanyang bagong tungkulin bilang Co-President ng Pax Christi International ay ipinahayag ng Obispo ang kanyang pasasalamat sa tiwala sa kanyang kakayahan at tiniyak ang paninindigan upang maipalaganap sa lahat ang pag-asa na hatid ng Panginoon.

“May our work in Pax Christi be a humble offering—for peace, for justice, and for a future where every Filipino can live with dignity.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
Hinihikayat naman ng Pax Christi International ang mga simbahan, kabataan, at mga civic organization groups na maglakbay nang sama-sama sa pagtatatag ng lipunang nakaugat sa katotohanan, habag, katarungan, at pagtatapos ng karahasan na naaayon sa Ebanghelyo.

Sa bagong tungkuling pandaigdig, inaasahang lalo pang palalawakin ni Bishop Bagaforo ang pagsusulong sa pagsasanib-puwersa ng mga simbahan at mamamayan para sa transparency, pagtataguyod ng good governance, pagpapatibay ng partisipasyon ng kabataan, at pagpapalawak ng peacebuilding efforts sa mga lokal at internasyonal na komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 139,106 total reads

 139,106 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 213,409 total reads

 213,409 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 246,859 total reads

 246,859 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 282,157 total reads

 282,157 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 503,255 total reads

 503,255 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top