97-pamilyang katutubo, mapapalayas sa lupang ninuno sa ecotourism project ng SMC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,590 total reads

Nananatiling matatag ang paninindigan at pag-asa ng mga katutubo ng Sitio Marihangin sa Bugsuk Island, Balabac, Palawan, sa kabila ng patuloy na banta ng sapilitang pagpapaalis at panggigipit mula sa mga nagnanais umangkin ng kanilang lupaing ninuno.

Sa paksang Padáyon: The Filipino Synodal Witnessing of the Catholic Faith, na bahagi ng ikatlo at huling araw ng 11th Philippine Conference on New Evangelization, ibinahagi ni Jilmani Nasiron, isang Muslim at katutubo mula sa Sitio Marihangin, ang kanilang kalagayan at panawagan sa harap ng planong ecotourism project ng San Miguel Corporation.

Ayon kay Nasiron, apektado ang halos 97 pamilyang katutubo sa sitio na nahaharap sa banta ng sapilitang pagpapalayas upang bigyang-daan ang proyekto.

Aniya, hindi ito simpleng usapin ng lupa, kundi usapin ng pagkakakilanlan, kultura, at buhay ng katutubong pamayanan.

“Bilang katutubo, katulad sa akin, muli, ako po ay maninindigan. Dahil po ‘yun ay karapatan ko at karapatan naming lahat dahil ‘yun po ay amin mula pa sa aming mga angkan… Doon na kami isinilang at doon na kami mamamatay… Hindi po ‘yan basta lupa lang. ‘Yan po ay sentro ng aming puso, ng tradisyon at kultura,” pahayag ni Nasiron.

Bagamat, kinikilala ang kakayahan ng proyekto sa pag-unlad ng bansa, iginiit ni Nasiron na hindi dapat ito maisakatuparan kapalit ng karapatan at kabuhayan ng mga katutubo.
Panawagan ni Nasiron sa sambayanang Pilipino na makiisa sa panalangin at pagkilos para sa adhikaing makamtan ang katarungan at kalayaan.

“Huwag n’yo kaming pababayaan. Tulungan n’yo kami para manumbalik ang saya at ligaya, at ang peaceful doon sa isla dahil iyon ay ang buhay namin, buhay ng mga katutubo ang nandoon. Para sa mga kabataan, sabi ko, ang kabataan ay pag-asa ng bayan… Huwag na huwag kaming pababayaan lahat sa laylayan,” ayon kay Nasiron.

Katuwang naman ng mga katutubo sa pakikipaglaban ang SAMBILOG-Balik Bugsuk Movement at ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples sa pagtataguyod ng karapatan sa lupaing ninuno at dignidad ng mga katutubo.

(Veritas Intern-Michael Encinas)

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 27,353 total reads

 27,353 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 176,511 total reads

 176,511 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 211,187 total reads

 211,187 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 227,108 total reads

 227,108 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 263,594 total reads

 263,594 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 271,609 total reads

 271,609 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 91,034 total reads

 91,034 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top