Bilang ng evacuees sa lalawigan ng Bulacan, patuloy na tumataas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,861 total views

Nangangambang malubog pa sa baha ang ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan dulot ng patuloy na pag-uulan dala ng hanging Habagat.

Ayon kay Malolos Diocesan Social Action Coordinator, Ms. Daday Pascual, ilang pamilya at indibidwal na ang nagsilikas sa mga evacuation center dahil sa pagtaas ng tubig sa ilang lugar malapit sa mga ilog.

Sinabi ni Pascual na maaari pang madagdagan ang evacuees dahil sa pagtaas ng antas ng tubig mula sa dagat na magpapalubog sa ilang lugar.

“May mga evacuees na po sa ilang lugar malapit sa mga ilog. Siguradong dadami pa po ito dahil sa mataas ang high tide level sa buong week,” pahayag ni Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.
Nakahanda naman ang SAC Malolos sa pamamahagi ng relief goods sa mga apektado ng sama ng panahon.

Matagal nang binabaha ang ilang bayan sa Bulacan dahil na rin sa lokasyon nitong malapit sa dagat.

Ngunit lalo pa itong nalubog sa baha dahil sa reclamation projects, partikular sa Bulakan, Bulacan, para sa itinatayong New Manila International Airport.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa limang katao ang nasawi, lima ang sugatan, at pito ang nawawala dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Crising at hanging Habagat.

Apektado ang kabuuang bilang na higit 800,000 indibidwal o 225,000 pamilya sa mahigit 1,500 barangay sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Sa kasalukuyan, mahigit 20,000 katao o halos 6,000 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center, habang patuloy ang monitoring at relief operations ng mga lokal na pamahalaan at humanitarian groups.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 44,631 total views

 44,631 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 67,783 total views

 67,783 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 137,897 total views

 137,897 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 212,511 total views

 212,511 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 289,282 total views

 289,282 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top