Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

P-D30, pinuri ng obispo hinggil sa refugees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 392 total views

Ikinatuwa ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas ang Pilipinas sa mga refugee na nakakaranas ng kaguluhan sa kanilang bansa.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, isang magandang hakbangin ang ginawa ng pangulo lalo’t ang halos 15 milyong overseas Filipino workers ay maluwag rin namang tinatanggap sa ibat-ibang mga bansa.

Malaki rin ang pasasalamat ng obispo, dahil kinilala ni Pangulong Duterte ang tungkulin ng Pilipinas sa pangangalaga sa mga migrante sa nilagdaan nitong pangako sa 1951 Convention Relating to the Status of Refugees.

“Magandang balita at nakikita natin rito na ang Pilipino kilala being hospitable o bukas loob, bukas-palad na tumatanggap sa mga nangangailangan, sa mga kapwa natin na kung saan tayo rin ay migrants. Na tayo rin ay lumalabas ng bansa upang magtrabaho tayo ay tinatanggap. Ang bansang Pilipinas ay signatory at tinutupad lamang natin ang ating pangako ang ating pinirmahan at ito ay nagpapatotoo na kung saan ay kinikilala natin ang kabutihan ng bawat isa maging sino man sila na may kakayahan at dapat nating tanggapin,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Pahayag pa ni Bishop Santos na ang naging desisyon ng Pangulong Duterte na pagkukop ng Pilipinas sa mga refugees mula sa ibang bansa ay buhay na pagtupad sa isa sa mga pitong corporal works of mercy na pagkukop sa mga walang tahanan o dayuhan.
“At ito ay magandang bunga ng Taon ng Awa na kung saan one of corporal works of mercy ay tanggapin ang mga dayuhan, tanggapin ang mga nangangailangan ang mga nasa kagipitan at ito ay isa ng malaking pagpapakilala na ginagawa natin ang ating ipinagdiwang na Taon ng Awa,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Nabatid na sa isang ulat na inilabas ng United Nations High Commissioner for Refugees(UNHCR), sinabi nitong hanggang noong Hunyo ng taong 2014, umabot sa 13 milyon ang bilang ng mga refugee sa buong mundo.

Anito, ito ay ang pinakamalaking bilang ng refugee sa daigdig, mula taong 1996.
Ipinahayag ng UN na ang walang tigil na digmaan sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika ay ang ugat sa pagtaas ng naturang bilang.

Nauna na ring nakasaad sa bagong Apostolic Letter ng Kanyang Kabanalan Francisco na “Miserecordia et Misera” (Mercy and Misery) na ipadama ang habag ng Diyos sa mga migrante at kilalanin ang kanilang dignidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 47,051 total views

 47,051 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 114,539 total views

 114,539 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 135,604 total views

 135,604 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 157,441 total views

 157,441 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 191,263 total views

 191,263 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 114,036 total views

 114,036 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 290,407 total views

 290,407 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top