Pagsasa-prayoridad sa industriya ng pagtatanim at pangingisda, isinulong sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,794 total views

Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na hihikayat sa mga kabataan na pagtuunan ng pansin ang industriya ng pagtatanim, at pangingisda.

Sinasaad din sa panukala ni Kabayan Partylist Ron Salo ang pag-aaral sa pamamahala at pangangalaga ng kagubatan, dagat at ekolohiya.

Ang House Bill 6769 o Agri-Scouting Act ay naglalayong bigyan ng kaalaman ang mga kabataan sa murang edad at matutunan ang kahalagahan ng agrikultura at pangingisda na makatulong sa adhikain ng pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain.

“It is our aspiration that the learning process would instill in their young minds a sense of wonder that leads to awareness and initiative and a desire to engage in agriculture, fisheries, forest, and marine conservation and management, and ecology. It is hoped that this will contribute to our collective aspiration of achieving food self-sufficiency,” ayon pa sa mambabatas.

Sakaling maisabatas, ang Department of Education ay inaatasan na ibilang ang agri-scouting bilang programa sa elementarya, at junior high school sa ilalim ng K-12 curriculum sa pampubliko at pribadong mga paaralan.

Naniniwala din ang mambabatas na ang Pilipinas bilang agriculturaal country ay may sapat na yamang kalikasan na kinakailangang linangin at maging produktibo.

Sa panig naman ng simbahan, hinikayat ng social arm ng Archdiocese of Manila ang mga kabataang scholar sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) na kumuha ng kurso kaugnay sa agri-business.

Ayon sa Caritas Manila, ito ay upang magamit ang mga nakatiwangwang na lupa at gamiting mga taniman, gayundin ang pagkakaroon ng sariling negosyo sa halip na maging karaniwang kawani.

Naniniwala din ang social arm ng Archdiocese of Manila na ang hakbang ay makakatulong lalo na sa food suffiency ng bansa.

Ang Caritas YSLEP ay taunang may 5,000 college scholars kada taon na hindi lamang mga mag-aaral sa mula sa Metro Manila, kundi maging isa ba pang panig ng bansa.

Sa katunayan, may 1,500 mag-aaral sa kolehiyo ng Caritas Manila ang nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 22,512 total views

 22,512 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 58,302 total views

 58,302 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 100,194 total views

 100,194 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 153,595 total views

 153,595 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 178,950 total views

 178,950 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top