Mamamayan, muling hinimok na magpabakuna laban sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,228 total views

Pinaalalahanan ni Camillian Father Dan Cancino ang publiko na paigtingin ang pagsusulong at pagtangkilik sa bakuna laban sa coronavirus disease.

Pinayuhan ni Fr. Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mamamayan na na isaalang-alang ang kalusugan ng kapwa sa patuloy na banta ng COVID-19.

“Nandyan pa rin ang hamon ng COVID-19. Meron tayo sa ating lipunan na populasyon na bulnerable—mga bata, mga may edad, mga may karamdaman, at dapat natin silang protektahan,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Tiniyak ng pari na patuloy na itataguyod ng simbahan ang layunin ng pamahalaan na pangalagaan ang mamamayan laban sa virus sa pamamagitan ng COVID-19 vaccination.

Paliwanag ni Fr. Cancino na ang pagpapabakuna ay hindi lamang para sa kaligtasan ng sarili, bagkus para din sa kapwa upang maiwasang mahawaan ng nakamamatay na virus.

“’Yung mga hindi pa nagpapa-booster shot na available pa po, mag-access po tayo nito. Huwag natin sayangin ang mga pagkakataong ito. Sabi nga ni Pope Francis, ito ‘yung gawain ng pag-ibig—pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa bayan, pag-ibig sa Diyos, at pag-ibig din natin sa ating mga sarili,” saad ni Fr. Cancino.

Hinimok ng opisyal ang lahat na sumunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol, at ang physical distancing.

Sa huling ulat ng Department of Health, mula Enero 9 hanggang 15 ay halos 3,000 ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Higit naman sa 73-milyong indibidwal o 94 percent ng target population ang nakatanggap na ng COVID-19 vaccine, habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng booster shots.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 19,565 total views

 19,565 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 41,570 total views

 41,570 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 65,912 total views

 65,912 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 89,768 total views

 89,768 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 124,092 total views

 124,092 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top