Diocese of Tagbilaran, nakiisa sa iba’t-ibang Christian denomination

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,703 total reads

Nakiisa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa pagtitipon ng iba’t ibang christian denomination sa Bohol sa pagsimula ng Week of Prayer for Christian Unity.

Layunin nitong pagbuklurin ang pamayanan sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya tungo sa iisang hangaring maging lingkod ng Panginoon.

Sa pinagsamang pahayag ng grupo binigyang diin nitong hindi magiging hadlang ang pagkakaiba at tradisyon upang isulong ang paggalang at pagmamahal sa kapwa na magdudulot ng kapayapaang nakabatay sa katotohanan at katarungan.

“Through the spirit of cooperation, humility and Christian service, we pray and serve to the people of any color, creed and status as what Jesus did in His ministry. Together, we stand united and pray for the total development of both human and communities of Bohol province and the whole country that no one is left behind and in conserving and protecting the integrity of God’s creation.” ayon sa pahayag ng grupo.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang ‘Do Good, Seek Justice’ kung saan iba’t ibang gawain ang nakahanda mula January 18 hanggang 25.

Sinabi ni Bishop Uy na mahalaga ang pagkakaisa sa lipunan upang mapagtagumpayan ang anumang hamong kakaharapin para sa kapakinabangan ng nasasakupang kawan.

Bukod sa Diocese of Tagbilaran na pinangunahan ni Bishop Uy dumalo rin sa pagtitipon ang mga lider ng United Church of Christ Philippines – Bohol Chapter; Iglesia Filipina Indipendiente – Diocese of Bohol; UMC; PCEC- Bohol Coordinator; CEMABI; Jesus Is Lord Movement – Bohol; at ang NCCP -Bohol Regional Ecumenical Council.

Unang hiniling ni Pope Francis sa mananampalataya na ipanalangin ang bawat kristiyano na sa tulong at gabay ng Panginoon ay manahan ang Banal na Espiritu na magbibigay liwanag sa kaisipan ng tao.

1948 kasabay ng pagtatag ng World Council of Churches ay sinimulang ipagdiwang sa buong mundo ang walong araw na Week of Prayer for Christian Unity.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 4,767 total reads

 4,767 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 36,042 total reads

 36,042 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 115,767 total reads

 115,767 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 209,993 total reads

 209,993 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 270,348 total reads

 270,348 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,872 total reads

 37,872 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top