Internal cleansing sa PNP, suportado ng PNPAAAI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,247 total reads

Suportado ng Philippine National Police Academy Alumni Association Incorporated (PNPAAAI) ang isinasagawang internal cleansing ng pamahalaan sa hanay ng pulisya sa bansa.

Tiniyak ng PNP-AAAI ang pakikiisa sa layunin na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa hanay ng P-N-P at lipunan.

“We support the latest Internal Cleansing campaign of the PNP and, thus, respect the decisions of any of its Third Level Police Commissioned Officers, who are PNPA alumni, following their submission of courtesy resignation called for by the [Secretary of the Interior and Local Government] and the [Chief of the] PNP,” pahayag ng PNPAAAI.

Hinihiling din ng kalipunan ng mga retirado at aktibong miyembro ng pulisya na ang inisyatibo ay mas maging epektibo sa pagtugon sa banta ng krimen at droga, maging sa pagpapatatag ng PNP bilang institusyon.

Itinataguyod din ng Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated (PMAAAI) ang layunin ng PNP na malunasan ang suliranin ng ilegal na droga sa loob ng ahensya.

Ayon sa PMAAAI, kinikilala at iginagalang nito ang desisyon ni PNP Chief, Police General Rodolfo Azurin, Jr. at iba pang matataas na opisyal sa paghahain ng courtesy resignation kay Interior Secretary Benjamin Abalos, Jr.

“The PMAAAI recognizes the need of this draconian measure and conveys its confidence to the PNP leadership in the processes it will adopt to weed out only the undesirable police scalawags,” pahayag ng grupo.

Aminado naman ang kalipunan na ang kampanya laban sa ilegal na droga ay isang pagsubok na minsa’y nagdudulot ng kabiguan lalo na sa mga dedikadong opisyal ng pulisya.

Nangako naman si PNP Chief Azurin na sisikapin ng hanay ng pulisya na maibalik ang tiwala ng taumbayan sa institusyon, gayundin ang pagtiyak na ang PNP ay kinabibilangan lamang ng mga huwaran at mapagkakatiwalaang miyembro.

Nauna nang nagpahayag ng suporta ang mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na sina Military Bishop Oscar Jaime Florencio at Social Action Commission vice chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa layuning malinis ang hanay ng PNP hinggil sa ilegal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 31,639 total reads

 31,639 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 69,582 total reads

 69,582 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 104,881 total reads

 104,881 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 331,151 total reads

 331,151 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 222,591 total reads

 222,591 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 153,354 total reads

 153,354 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top