Mga obispo, nanawagan sa pamahalaan na tulungan ang sektor ng agrikultura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,224 total views

Nananawagan ang mga Obispo sa pamahalaan na tugunan ang krisis sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, higit na kailangan ng mga magsasaka ng suporta mula sa pamahalaan upang maiwasan ang krisis sa kakulangan ng suplay ng sibuyas at mataas na presyo ng bigas gayundin ang iba pang agricultural products.

Panalangin din ni Bishop Mallari na maunawaan ng mamamayan kasama ang pamahalaan at Department of Agriculture (DA) na hindi mapapalakas ang produksyon ng lokal na pagkain kung walang suporta ang mga magsasaka.

“Ipagdasal po natin ang ating bansa, patuloy po nating inaanyayahan ang bawa’t isa na tingnan itong crisis na ito bilang isang oportunidad upang kilalanin ang halaga ng mga magsasaka natin, oportunidad din upang mapagbuti ng mga nanunungkulan lalo na ang DA sa pagtulong sa mga magsasaka,oportunidad na magtulong-tulong tayo para sa ikabubuti ng ating bansa, pagpalain tayong lahat ng ating Poong Maykapal,” panalangin ni Bishop Mallari.

Nanawagan naman sa pamahalaan at mamamayan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na pakinggan ang hinaing at apela ng mga manggagawa sa agrikultura.

Nanindigan ang Obispo na hindi masusulosyunan ng importasyon ng agricultural products ang kakulangan ng supply ng pagkain sa bansa.

Ayon sa Obispo, sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing ng mga manggagawa sa agrikulura at pati narin sa ibang sektor ay mauunawaan ng sanlibutan kung paano lutasin ang mga suliranin sa ekonomiya.

Paalala rin ni Bishop Alminaza sa mga mananampalataya na makiisa sa mga sektor na nakakaranas ng labis na paniniil upang mapalakas ang kanilang mga panawagang tulong sa pamahalaan.

“It is no longer simply about exploitation and oppression, but something new,” the Holy Father tells us in his encyclical, Evangelii Gaudium (The Joy of the Gospel). “Exclusion ultimately has to do with what it means to be a part of the society in which we live; those excluded are no longer society’s underside or its fringes or its disenfranchised – they are no longer even a part of it,” ayon naman sa ipinadalang mensahe ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 20,294 total views

 20,294 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 42,299 total views

 42,299 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 66,641 total views

 66,641 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 90,486 total views

 90,486 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 124,755 total views

 124,755 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top