Opening ng Jubilee Door ng Sacred Heart of Jesus Parish, pangungunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,132 total views

Umaasa ang kura paroko ng Sacred Heart of Jesus Parish sa Sta. Mesa Manila na magdulot ng mayabong na pananampalataya ang pagbubukas ng Jubilee Door ng simbahan.

Ito ang pahayag ni Fr. Artemio Fabros sa panayam ng Radio Veritas sa pagdiriwang ng simbahan sa ika – 120 anibersaryo ng Pagdating ng Pagdedebosyon sa Mahal na Puso ni Hesus.

Inihayag ng Pari na sa tulong ng debosyon ay lumago ang ugnayan ng tao sa Panginoon at higit na mapalapit sa simbahan at maging aktibong kasapi ng sambayanan.

“Nawa ito po ay makatulong sa lalong paglalim ng pananampalataya ng mga taga Sta. Mesa at imbitasyon na rin sa ating mga mamamayan na sa Metro Manila o sa iba pang lugar ng Pilipinas na kung may pagkakataon dumalaw po sa Sacred Heart of Jesus Parish para makatanggap din ng indulhensya,” bahagi ng pahayag ni Fr. Fabros.

Pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagbubukas ng Jubilee Door ngayong January 24, 2023 sa alas sais ng hapon kasabay ng pagdiriwang din ng isang dekada mula nang maitalaga ang dambana.

Inaanyayahan ni Fr. Fabros ang mamamayan na makiisa sa gawain at tumanggap ng pagpapala kaakibat ng mga alintuntuning mangumpisal, tumanggap ng komunyon at ipanalangin ang natatanging intensyon ng Santo Papa Francisco.

Sa kasaysayan ng simbahan itinatag ito noong February 11, 1911 at iniatang sa Franciscan Capuchin missionaries ang pangangasiwa.

Kasabay ng pagbubukas sa Jubilee Door ang pagtatalaga kay Fr. Fabros bilang bagong kura paroko ng parokya at tiniyak ang patuloy na pagpapaigting ng mga programang makatutulong sa paghubog ng pananampalataya ng nasasakupang komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 19,605 total views

 19,605 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 41,610 total views

 41,610 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 65,952 total views

 65,952 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 89,808 total views

 89,808 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 124,130 total views

 124,130 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top