Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bigyang-pugay ang SAF 44, panawagan ng PNP-Chaplain Service

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,141 total views

Alalahanin at patuloy na bigyang pugay ang kabayanihan ng SAF 44.

Ito ang panawagan ng Philippine National Police – Chaplain Service kaugnay sa ika-8 anibersaryo ng madugong Mamasapano encounter kung saan nasawi ang 44 na PNP-Special Action Force troopers na tinaguriang SAF 44.

Ayon kay PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo, naaangkop na patuloy na alalahanin at bigyang pugay ang kabayanihan at pagiging makabayan ng SAF 44 na hindi lang maituturing na inspirasyon para sa mga pulis at sundalo kundi maging para sa lahat ng mga Filipino.

“Nanawagan din ako sa lahat, sa ating kapwa Filipino na ating i-commemorate talaga itong SAF 44 kung ano ang kanilang ginawa para sa ating bayan, this is not only to inspire every soldier or policemen but also to inspire the entire Filipino people kasi pinapakita dito ang kadakilaan, ang nasyonalismo ng bawat Filipino,” pahayag ni Ortizo sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni General Ortizo na bagamat nananatili pa rin ang kirot sa dibdib sa tuwing inaalala kabayanihan at kamatayan ng SAF 44 ay hindi naman nito maiaalis ang inspirasyon sa pag-aalay ng buhay para sa bayan.

Ayon kay General Ortizo, isinagawa ng Police Regional Office 8 sa Palo, Leyte ngayong 2023 Day of National Remembrance for the Heroic Sacrifice of SAF 44 ang pag-aalay ng panalangin sa kanilang kaluluwa at pananalangin para sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay.

Umaasa naman si General Ortizo na maraming mga kabataan ang mapukaw ang damdamin sa halimbawa ng kabayanihan ng SAF 44 upang maglingkod para sa bayan at sa kapwa Filipino.

Tema ng 2023 Day of National Remembrance for the Heroic Sacrifice of SAF 44 ang “Legacy of Heroes: Inspiration of Future Generations”.

Ginugunita ngayong taon ang ika-8 anibersaryo ng madugong Mamasapano encounter kung saan idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng Proclamation No. 164 ang ika-25 ng Enero na National Day of Remembrance bilang pagkilala sa kabayanihan ng SAF 44.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 2,971 total views

 2,971 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 25,993 total views

 25,993 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 65,487 total views

 65,487 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 81,129 total views

 81,129 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

 11,263 total views

 11,263 total views Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa

Read More »
Scroll to Top