CWS, nanawagan ng patas na imbestigasyon sa pagdukot sa dalawang rights defender

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,255 total views

Nanawagan ng patas na imbestigasyon ang Church People – Workers Solidarity (CWS) sa pagdukot ng mga nagpakilalang pulis sa dalawang development workers at human rights advocate sa Cebu City Pier dalawang linggo na ang nakakalipas.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo A. Alminaza, Chairperson ng Church People – Workers Solidarity (CWS), dapat mapanagot ang mga nasa likod ng pagdukot kina Dyan Gumanao at Armand Dayoha.

Duda ang Obispo sa kawalan ng aksyon ng mga port security sa hayagang pagdukot kina Gumanao at Dayoha sa pier na maaaring patunay sa pagkakasangkot ng state forces sa nasabing insidente.

“The facts of this case are obvious. The initial captors said that they were police. The reason for the pseudo-arrest turned abduction, enforced disappearance and illegal detention was also plainly stated as because Dyan and Armand are ‘activists.’ Their place of abduction was inside the port and without response from the port security. This could only be done by state forces. We believe Dyan and Armand and we call for an immediate, impartial investigation into their abduction and illegal detention,” pahayag n Bishop Alminaza.

Itinuturing ni Bishop Alminaza na ang sinapit nina Gumanao at Dayoha ay patuloy na banta para sa kaligtasan ng mga human rights defenders sa bansa.

Hinangaan naman ng Obispo ang matapang na paglantad ng dalawa upang ikuwento ang nangyari sa kanila sa pier ng Cebu.

Iginiit ni Bishop Alminaza na nararapat manaig ang katarungan at pananagutan sa lipunan sa halip na culture of impunity sa bansa.

“As happy as I am that they have survived…. As happy as I am that they are courageously exposing what happened to them, I am broken-hearted in observing, once again, how human rights and civil liberties are so easily violated by police and state agents. Impunity must not be tolerated. It is essential to bring to the bar of justice and accountability the perpetrators of these heinous crimes against the people,” dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Nagpahayag naman ng paghanga si Bishop Alminaza sa adbokasiya nina Gumanao at Dayoha na pakikibahagi sa misyon upang isulong ang mga karapatan at kapakanan ng mga mahihirap na sektor kabilang na ang mga magsasaka, mangingisda at mga katutubo sa bansa.

Pagbabahagi nina Gumanao at Dayoha na nagmula sila sa bakasyon sa Cagayan de Oro at kadadaong lamang sa pier ng lapitan ng grupo ng mga lalaking nagpakilala pulis kung saan sa loob ng anim na araw ay hindi nila alam kung saan sila dinala habang pilit na pinapaamin na sila ay kasapi ng teroristang grupo.

Ika-15 ng Enero, 2023 ng iniwan sila sa isang resort sa Carmen, Cebu matapos dumanas ng psychological torture.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 841 total views

 841 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 27,492 total views

 27,492 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 122,550 total views

 122,550 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 144,603 total views

 144,603 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 159,704 total views

 159,704 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top