Pamahalaan, bingi sa negatibong epekto ng pagmimina sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,529 total reads

Ikinabahala ng Bayay Sibuyanon ang nangyayaring mining operation sa Sibuyan Island, Romblon.

Ayon kay Rodne Galicha, pangulo ng grupo na patunay lamang ito na mas sinasang-ayunan ng pamahalaan ang mapaminsalang pag-unlad sa halip na pakinggan ang panawagan ng taumbayan na pangalagaan at pagyabungin ang mga likas na yaman ng bansa.

Ang mining operation sa Sibuyan Island ay hawak ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) na kamakailan lamang ay binigyan na ng mineral ore export permit mula sa Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau.

“This mining company has no barangay clearance and municipal business permit! Where is the DENR foreshore lease contract and [Philippine Ports Authority] permit to construct private port? Our environmental defenders are now fighting for our rights on the ground.” pahayag ni Galicha.

Magmula noong Miyerkules, 24-oras na binabantayan ng Sibuyan Island environmental defenders ang isinasagawang nickel ore hauling ng APMC sa bahagi ng Sibuyan Island.

Hinamon naman ni Galicha ang mga opisyal ng mga apektadong bayan na manindigan at makipagtulungan para mapigilan ang operasyon ng Altai Mining at hindi na umabot pa sa labis na pinsala sa kalikasan at kapahamakan sa mga tao.

Tinukoy din ni Galicha ang Philippine National Police na maging huwaran at tuparin ang tungkuling itaguyod ang kaligtasan at seguridad ng mga apektadong mamamayan.

“I urge our local leaders and authorities to hold the line and be with the people especially that the local government did not issue any business permit. To the PNP, don’t attempt to defend the mining company – you must look for their barangay clearance and municipality business permit. This mining company has caused us so much pain, division, hatred and anger.” saad ni Galicha.

Sa ginanap na public hearing noong January 22, 2023, pinagtibay ng mga opisyal ng Barangay España, San Fernando, Romblon ang 25-year mining moratorium ordinance na layong pigilan ang pagpasok ng mga mining companies sa Sibuyan Island.

Ang nasabing ordinansa ay isusumite sa Sangguniang Bayan ng San Fernando upang suriin at agad na ipatupad para sa kapakanan ng mga likas na yaman ng Sibuyan Island at mga residente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 13,184 total reads

 13,184 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 98,143 total reads

 98,143 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 192,474 total reads

 192,474 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 254,160 total reads

 254,160 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 299,436 total reads

 299,436 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 209,777 total reads

 209,777 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top