National day of prayer and awareness against human trafficking, pangungunahan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,323 total views

Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Cluster Against Human Trafficking (CCAHT) na higit na mabuksan ang kamalayan ng lahat sa patuloy na suliranin ng human trafficking.

Ito ang dalangin ng CBCP Cluster Against Human Trafficking (CCAHT) sa pagsasagawa ng National Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking sa ika-5 ng Pebrero, 2023.

Ayon sa CCAHT, nawa ay maging epektibo ang deklarasyon ng CBCP sa taunang paggunita ng National Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking (NDPAHT) upang higit na mahikayat ang lahat na makialam at tumugon para protektahan ang kababaihan, kabataan at mahihirap na sektor ng lipunan.

“We expect this declaration will help heighten the consciousness of Churchgoers and faith communities on the issue and will encourage them to protect their respective families, particularly women and children, against trafficking,” pahayag ng CBCP Cluster Against Human Trafficking

Kasunod ng deklarasyon ng CBCP sa katatapos na 125th Plenary Assembly sa unang Linggo sa buwan ng Pebrero bilang araw ng pananalangin at pag-alala sa mga biktima ng modern-day slavery sa bansa ay inihayag ng CCAHT ang pagpapaigting sa mga programa laban sa human trafficking.

Ayon sa organisasyon na binubuo ng iba’t ibang kumisyon ng CBCP kabilang sa paiigtingin ng CCAHT ang capacity-building measures ng mga diyosesis upang agad na matugunan ang mga kaso ng human trafficking sa iba’t ibang lugar.

“As the Philippine Catholic Church institutionalizes this annual celebration of NDPAHT, we are also happy to announce that this year, we will embark on a vigorous education and action program within the Church. The CCAHT will implement consultation and capacity-building measures among the Church regional groupings and engage in research to trace and track down areas where human trafficking is rampant. We aim to develop capacity and structure in dioceses, in the spirit of respect for human dignity and human rights, and journeying in inter-ministeriality, to respond to the situation that the local communities face,” dagdag pa ng CCAHT.

Pagbabahagi ng CCAHT, buo ang determinasyon ng Simbahan na tugunan ang patuloy na suliranin ng tila pangangalakal sa tao na nag-aalis sa dignidad na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa.

Sa ika-5 ng Pebrero ay angungunahan ni CBCP Vice President Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang Banal na Eukaristiya ganap na alas-12:15 ng tanghali sa Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine na susundan naman ng candle lighting para sa mga biktima at survivors ng human trafficking.

Taong 2016 ng itinatag ang CBCP Cluster Against Human Trafficking (CCAHT) upang manguna sa pagtugon ng Simbahang Katolika sa laganap na human trafficking.

Makalipas ang halos limang taon noong 2021 ay higit pang pinalawig ang CBCP Cluster Against Human Trafficking (CCAHT) kung saan napabilang na din ang CBCP Episcopal Commissions on Health Care, Family and Life, Indigenous Peoples, at Committee on Public Affairs.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 52,095 total views

 52,095 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 58,224 total views

 58,224 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 88,366 total views

 88,366 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 107,545 total views

 107,545 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 125,630 total views

 125,630 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 10,224 total views

 10,224 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 10,024 total views

 10,024 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top