Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cease and desist order laban sa,APMC operations, hiniling ng SAM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,815 total views

Nananawagan sa pamahalaan ang Sibuyanons Against Mining (SAM) para sa agarang pagpapatupad ng cease and desist order laban sa ilegal na operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) sa Sibuyan Island, Romblon.

Ayon kay SAM Coordinator Elizabeth Ibañez, kailangang agad na mapahinto ang operasyon ng ilegal na pagmimina sa Sibuyan Island upang hindi na lumawak pa ang pinsala nito sa kalikasan at magdulot ng panganib sa mga residente.

“Hinihingi natin ang agarang aksyon ng [Department of Environment and Natural Resources] Secretary through [Mines and Geosciences Bureau] Regional Director to issue a cease and desist order. Ang mabagal na aksyon ng DENR ay magdudulot ng malawak na pinsala sa Isla ng Sibuyan at kapahamakan sa mga mamamayan, “ bahagi ng pahayag ni Ibañez.

Tinukoy din ni Ibañez ang kawalang kakayahan ng mga opisyal ng Sangguniang Bayan ng San Fernando at Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon sa pagtugon sa panawagan ng taumbayan.

Iginiit ni Ibañez na sa halip na ipagtanggol ang kapakanan ng kinasasakupan ay pinagtatanggol pa ng mga opisyal ang ilegal na operasyon ng APMC.

“Walang maaasahang aksyon mula sa mga pinuno ng bayan at probinsya dahil lagi nilang ipinapasa ang kilos o aksyon sa national agency dahil sila ay takot at walang kapasidad na gampanan ang kanilang tungkulin sa mga mamamayan bagkus sila mismo ang tumatayong tagapagtanggol at tagapagsalita ng minahan,” giit ni Ibañez.

Noong Pebrero 3 ay napagkasunduan sa pagpupulong sa pagitan ng mga residente ng Sibuyan Island, Altai Mining at mga opisyal ng lokal at ahensya ng pamahalaan na isailalim muna sa status quo ang mining operation sa isla.

Nananatili naman sa nilikhang barikada ang mamamayan ng Sibuyan upang bantayan ang pagkilos at gawain ng APMC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 883 total views

 883 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 23,905 total views

 23,905 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 63,399 total views

 63,399 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 79,285 total views

 79,285 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Mangalinao, kinasuhan

 8,870 total views

 8,870 total views Kinasuhan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, kasama ang iba pang environmental advocates dahil sa mariing pagtutol sa isinasagawang exploration activities ng North

Read More »
Scroll to Top