SAC ng Simbahan, nanindigan sa pagpapahinto ng APMC operations

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,187 total reads

Suportado ng 119 Social Action Network kabilang ang NASSA/Caritas Philippines sa layuning mapahinto ang operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation sa Sibuyan Island.

Sa inilabas na solidarity statement, nakikiisa ang Social Action Network sa Diocese of Romblon lalo na sa mga apektadong residente na patuloy na naninindigan upang mapangalagaan ang isla mula sa epekto ng ilegal na pagmimina.

“We are committed to advancing the principles of Laudato Si’ and be bearers of hope in the face of an ecological crisis, following our Lord Jesus, our Redeemer. As such, we commit to “integrate the care of creation as our common home in our teaching and practice of Christian discipleship” through concrete ecological actions in caring for our Common Home,” bahagi ng pahayag ng Social Action Network.

Naniniwala ang social action commissions ng bawat arkidiyosesis at diyosesis na hindi matutugunan ng pagmimina ang pangangailangan ng lalawigan ng Romblon, bagkus ay lalo lamang mag-iiwan ng pinsala sa buhay ng mamamayan at kalikasan.

Dagdag pa ng pahayag na ang paninindigang ipagtanggol ang Sibuyan Island laban sa ilegal na pagmimina ay para din sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“If we persist in damaging our only home, there will be no going back and our children, not just us, will bear the consequences of a degraded environment. Let us not pass on this legacy to future generations,” ayon sa pahayag.

Panawagan naman ng Social Action Network sa Department of Environment and Natural Resources, Altai Mining, at iba pang sangkot sa ilegal na operasyon na unahin ang kapakanan ng mamamayan ng Sibuyan at tuluyan nang ihinto ang ilegal na pagmimina.

Nakasaad sa Fratelli Tutti ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan ay pangangalaga rin sa ating kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 11,944 total reads

 11,944 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 96,992 total reads

 96,992 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 191,323 total reads

 191,323 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 253,009 total reads

 253,009 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 298,341 total reads

 298,341 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 209,743 total reads

 209,743 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top