Mananampalataya, hinimok ng CBCP na kalingain ang mga maysakit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,133 total views

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) ang mananampalataya na higit na ipakita ang pagdamay at pagmamalasakit sa mga may karamdaman.

Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita sa 31st World Day of the Sick na may temang “Take Care of Him: Compassion as a synodal exercise of healing”, mula sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Bishop Florencio, tungkulin ng bawat isa na pangalagaan ang kapwa lalo’t higit ang mga may sakit upang madama na mayroon itong karamay at agad na makamtan ang kagalingan.

“We are are to take care of our brothers especially those who are sick. Be united with them in their pains and sufferings because we are our brothers’ keeper,” bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo na panawagan ng Santo Papa Francisco sa tema ng pandaigdigang araw ng mga may sakit na ang pagiging isang pamilyang naglalakbay bilang simbahan ay tunay na nakahandang dumamay at kumalinga sa mga nakakaranas ng pagsubok sa buhay.

“The message even went as far as the sort of the Good Samaritan. We are indeed one family journeying together. Our compassion and being with the sick is already more than enough for them,” ayon kay Bishop Florencio.

Kaugnay nito, magsasagawa ng bloodletting activity ang CBCP-ECHC sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral sa Antipolo City, Rizal sa February 11, 2023 mula alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Susundan naman ito ng Banal na Misa at Anointing of the Sick sa ganap na alas-3:30 ng hapon na pangungunahan ni Antipolo Bishop Francisco de Leon.

Ang paggunita sa World Day of the Sick ay inilunsad ni Saint Pope John Paul II noong 1992 bilang pagpapakita ng suporta at pag-aalay ng panalangin sa mga may karamdaman at sa masigasig nitong mga tagapag-alaga.

Ang obserbasyon ay ginaganap taun-taon tuwing Pebrero 11, kasabay ng Paggunita sa Mahal na Birhen ng Lourdes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 58,298 total views

 58,298 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 58,298 total views

 58,298 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 58,298 total views

 58,298 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,508 total views

 56,508 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 51,610 total views

 51,610 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top