Mamamayan, inaanyayahan ng SLP sa Walk for Life 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,555 total reads

Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na magbuklod ang mamamayan sa pagtatanggol sa dignidad ng buhay.

Ito ang paanyaya ni SLP President Raymond Daniel Cruz Jr. sa nalalapit na Walk for Life 2023 na gaganapin sa February 18.

Batid ni Cruz ang maraming hamong kinaharap ng mga tao sa buong mundo sa nagdaang mga taon lalo na ang karanasan ng COVID – 19 pandemic kung saan anim na milyong katao ang nasawi sa buong mundo kasama ang mahigit 60 libong Pilipino.

“Kaya’t sa panahong ito’y kailangang magsama-sama tayong muli,let us journey together, come nearer at this time as an advocate of life.” paanyaya ni Cruz.

Ayon kay Cruz, tema sa pagtitipon ngayong taon ang ‘SANAOL ‘ na hango sa synodality ng Santo Papa Francisco na sama-samang paglalakbay at kapitbisig sa pagtatanggol ng buhay.

Sinabi ng opisyal na dapat paigtingin ang pagpapahalaga sa buhay lalo’t nasaksihan ng karamihan ang kawalang katiyakan ng buhay noong lumaganap ang nakamamatay na COVID-19.

“Kaya inaanyayahan namin kayong patuloy itaguyod ang pakikibaka at pakikipaglaban para sa buhay.” ani Cruz.

Magsisimula ang paglalakad ng mga lalahok sa Walk for Life sa Welcome Rotonda sa Quezon City alas kuwatro ng madaling araw patungong University of Santo Tomas (UST) grandstand kung saan gaganapin ang mga programa at banal na misa.

Inaasahan ng pinakamalaking samahan ng mga layko ang dalawang libong kalahok mula sa mga diyosesis sa mega manila gayundin ang mga mag-aaral at katuwang na organisasyong nagtataguyod ng buhay.

Magbabahagi ng panayam si Commission on Human Rights Chairperson Atty. Richard Palpal-Latoc hinggil sa katayuan ng CHR sa Death Penalty habang si dating CHR Commissioner Atty. Karen Dumpit naman sa In Defense of the Right to Life.

Unang inilunsad ang Walk for Life noong 2017 bilang pagtaguyod sa dignidad ng buhay na kaloob ng Panginoon at labanan ang culture of death.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 22,687 total reads

 22,687 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 6,417 total reads

 6,417 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 46,980 total reads

 46,980 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 74,606 total reads

 74,606 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 122,871 total reads

 122,871 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 144,690 total reads

 144,690 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top