Mamamayan, patuloy na pinag-iingat ng CBCP-ECHC laban sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,143 total reads

Huwag kalilimutan ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kalusugan.

Ito ang tagubilin ni Camillian Father Dan Cancino, kaugnay sa patuloy na pangangalaga sa kalusugan sa kabila ng unti-unting pagbuti ng kalagayan ng lipunan mula sa coronavirus pandemic.

Ayon kay Fr. Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care na naranasan ng lahat nitong pandemya ang pangalagaan ang sarili, lalo’t higit ang kapwa mula sa mapanganib na epekto ng COVID-19.

Sinabi ng pari na sa panahong ito nasukat ang katatagan ng loob at pananampalataya ng bawat isa sa kabila ng mga pinagdaraanang mabibigat na pagsubok.

“Ngayong bumabalik na tayo sa normal, sana huwag natin kalimutan ang kahalagahan ng kalusugan. Regalo ang kalusugan. Nakita natin sa panahon ng COVID-19 kung ano ‘yung mahalaga–‘yung buhay, kalusugan, pamilya, at pananampalataya,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihiling naman ng pari na sa pagluwag ng mga panuntunan laban sa COVID-19, patuloy nawang sundin ng publiko ang pagsusuot ng facemask bilang pag-iingat sa pansariling kalusugan at ng kapwa, lalo na ang mga matatanda at mahihina ang katawan sa mga karamdaman.

“Kung meron man tayong karapatan na magtanggal ng mask, mayroon din tayong responsibilidad na magsuot din ng mask para sa kapakanan ng ating mga kapanalig lalong lalo na ang mga immunocompromized. Iyon talaga ang proteksyon natin e. Pinoproteksyonan natin ang ating sarili, po-proteksyonan din natin ‘yung iba,” ayon kay Fr. Cancino.

Ang mensahe ni Fr. Cancino ay kaugnay rin sa paggunita sa 31st World Day of the Sick na may temang “Take Care of Him”: Compassion as a synodal exercise of healing.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 145,603 total reads

 145,603 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 203,769 total reads

 203,769 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 340,274 total reads

 340,274 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 452,251 total reads

 452,251 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 247,852 total reads

 247,852 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top