Caritas Philippines, naalarma sa desisyon ng Sandiganbayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,395 total reads

Dismayado ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagbasura ng Sandiganbayan sa ill-gotten wealth case laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at mga kaibigan at cronies nito.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – national director ng Caritas Philippines, nakababahala ang desisyon ng fifth division ng Sandiganbayan sa kasong plunder laban sa dating pangulong diktador.

Itinuturing ng Obispo ang desisyon ng Sandiganbayan na isang ‘major setback’ para sa mamamayang Pilipino na tila ninakawan na rin ng kinabukasan.

“We are disappointed and alarmed by the recent ruling from the Sandiganbayan’s fifth division regarding the former dictator’s acquisition of ill-gotten wealth. This decision is a major setback for the Filipino people, who have already been robbed of a better future and are currently experiencing high levels of poverty, as well as rising prices for basic necessities, education, and healthcare.” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Nanawagan naman si Bishop Bagaforo sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa pagbibigay katarungan sa mga kaso ng katiwalian sa bansa na ipagpatuloy ang masususing pangangalap ng mga impormasyon at ebidensya upang tuluyang maisakdal ang mga tiwaling opisyal ng bayan.
Inihayag ng Obispo na nananatiling positibo ang Simbahan na makakamit ng mamamayang Pilipino ang katarungan laban sa mga tiwali at mapagkamkam na mga opisyal ng bayan na tanging pansariling interes ang pinahalagahan sa kabila ng tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng taumbayan.

“We urge government agencies to work diligently to gather, validate, and preserve substantial and indisputable evidence that can be presented in court. We remain optimistic that one day, the Filipino people will emerge victorious over corruption, poverty, and tyranny.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Batay sa 156-pahinang desisyon ng 5th Division ng anti-graft court ay ibinasura ang kaso laban kina dating Pangulong Marcos Sr, Rafael Sison, Peter Sabido, Luis Yulo, Nicolas Dehesa, at Don Ferry dahil sa mahinang ebidensya na magpapakita ng plano at paraan ng mga nabanggit na personalidad na itago ang sinasabing mga ill-gotten wealth.

Inihain ang kaso noong taong 1987 laban sa mga nasasakdal at sa mga kumpanyang Lianga Bay Logging Co., Philippine Integrated Meat Corporation, YKR Corporation at PIMECO Marketing Corporation.

Batay sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) tinatayang aabot ng US$5 billion hanggang US$10 billion ang sinasabing hindi maipaliwanag na yaman ng pamilya Marcos na pinaniniwalaang nakatago sa mga bangko sa labas ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 29,009 total reads

 29,009 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 67,092 total reads

 67,092 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 102,391 total reads

 102,391 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 328,660 total reads

 328,660 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 220,254 total reads

 220,254 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top