Cause-oriented group, nanawagan sa pagpapahinto ng Kaliwa dam project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,990 total reads

Suportado ng Kabalikat sa Kaunlaran ng Baseco (KKB) ang panawagan ng mga katutubong Dumagat-Remontado ng Quezon at Rizal upang tutulan ang Kaliwa Dam project ng pamahalaan.

Kaugnay ito sa Alay-lakad laban sa Kaliwa Dam na inorganisa ng mga katutubo katuwang ang ilang sektor at simbahan upang manawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon kay Jeorgie Tenolete, pangulo ng KKB na ang panawagan ng mga katutubo ay hindi lamang para sa pansariling kapakanan kundi maging sa mga maralitang tagalunsod na posibleng maapektuhan kapag naisakatuparan ang Kaliwa Dam.

Sinabi ni Tenolete na ang Sierra Madre na higit na mapipinsala ng malaking proyekto ay tahanan ng mga katutubo at nagsisilbing pananggalang lalo na sa panahon ng malalakas na kalamidad.

“Sumusuporta kami dahil naniniwala kami na malaki ang epekto na kapag naapektuhan ang Sierra Madre ay may posibilidad na ang mga taga-Maynila ay magkaroon ng samu’t saring mga trahedya na aasahan namin. Dahil ang Sierra Madre ay isa sa sandalan ng Maynila upang hindi kami maapektuhan ng malalakas na bagyo,” pahayag ni Tenolete sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng pangulo ng KKB na malaki ang maitutulong ng desisyon ni Pangulong Marcos na ihinto ang Kaliwa Dam project para sa pagpapanatili ng Sierra Madre at kaligtasan ng mga pamayanan sa kabundukan, maging sa mga karatig na lugar tulad ng Metro Manila.

Iginiit naman ni Tenolete na ang P12.2-bilyong halaga ng pondong nakalaan para sa proyekto ay karagdagang pasanin muli sa taumbayan dahil ito ay uutangin ng pamahalaan sa China.

Mungkahi ng grupo kay Pangulong Marcos na pagtuunan ang pagsusuri sa mga kasalukuyang dam sa bansa, at kumpunuhin sakaling may sira upang mas maging kapaki-pakinabang sa marami.

“Dahil marami naman pong mga alternatibo na pwedeng tingnan kaysa naman magpanibagong utang, magpanibagong demolisyon sa mamamayan, at ‘yung epekto nito hindi lang sa parte ng Sierra Madre, Quezon Province, Rizal, papunta ng Laguna at Manila, ‘yan ang mga maaapektuhan nitong dam na ito,” saad ni Tenolete.

Naglakad ang mga katutubo simula noong Pebrero 15 hanggang 23 mula General Nakar, Quezon hanggang Malacañang upang manawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Nauna nang nanindigan si Fr. Pete Montallana, OFM, coordinator ng Indigenous Peoples` Apostolate ng Diocese of Infanta laban sa “dambuhalang” proyekto na sinasabing makakatulong sa krisis sa tubig sa Kalakhang Maynila ngunit, higit pang pinsala ang idudulot sa kapaligiran at mahihirap na pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 27,806 total reads

 27,806 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 65,989 total reads

 65,989 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 101,289 total reads

 101,289 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 327,558 total reads

 327,558 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 219,226 total reads

 219,226 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 153,158 total reads

 153,158 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top