Charter change, tinututulan ng mga pari, mambabatas at dating opisyao ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,642 total reads

Nanindigan ang mga Pari, mambabatas at dating opisyal ng pamahalaan na patuloy na alalahanin ang mga aral na itinuro ng makasaysayang EDSA People Power Revolution.

Ito ay sa isinagawang special episode ng programang Veritasan ni Father Jerome Secillano sa paggunita ng ika-37 taong anibersaryo ng kauna-unahang EDSA People Power na tinaguriang ‘Bloodless Revolution’.

Ayon kay Father Danilo Pilario – Dean ng St.Vincent School of Theology, mahalaga ang naging papel ng simbahang katolika higit na sa pangunguna sa mga pagkilos upang maalis sa pwesto ang diktaduryang pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“37-taon na ang nakakaraan marami sa atin ay nakatayo na sa lugar na ito bago pa man nila ginawa ang simbahang ito banal na ang lupang kaniyang kinatatayuan, dito natin pinigil ang mga tangke na kanilang ipinadala upang lipulin ang kanilang bayan, wala tayong sandata noon, ang dala-dala natin ay ang mga krusipiyo, mga rebulto ni Maria, Santo Niño,” ayon sa pahayag sa Veritas ni Father Pilario

Binigyang diin naman ni Proffessor Edmundo Garcia – Framer Commissioner ng 1987 Constitutional Commission, sa mga kinakaharap na problema ng Pilipinas sa kasalukuyan ay nararapat balikan ang mga nakapaloob sa 1987 Constitution.

Ito ay upang maisulong muli ang pagkakaisa ng mga Pilipino na mabago ang mga sistema sa Pilipinas na hindi nakakatulong sa mga mamamayan.

“People wanted a constitution that was free from politacal patronage and it’s very important to remember that because ngayon again, they want to change the constitution but it is very important to remember that we have so many provision in the constitution that have not been truly implemented, political dynasty is one of them,” ayon naman sa pahayag ni Garcia sa programa.

Ginamit naman ni Rep.Edcel Lagman SR, ang pagkakataon upang iparating ang pagtutol sa pagsusulong ng Charter Change.

“Itong Charter Change ay hindi naman mabibigyan ng solusyon ang grand await inflation rate, hindi naman mabibigyang ng solusyon ang ating escalating poverty, hindi mabibigyang solusyon ang kakulangan ng pagkain o lack of food security at hindi naman ito solusyon upang maiwasan natin o mabigyan natin ng lunas ang posibleng darating na economic problems,” ayon naman sa pahayag ni Lagman sa Veritasan.

Naunang mensahe ni Bishop Reynaldo Evangelista – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs nagsisilbing paalala ang EDSA Shrine o ang Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace sa malalim na pananampalataya at matinding pananalangin ng mga Pilipino 37-taon na ang nakakalipas.

Kasabay ito ng panghihimok ng Obispo na ipagpatuloy ang pananalangin sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang patuloy na makamit ang kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 34,573 total reads

 34,573 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 56,772 total reads

 56,772 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 93,272 total reads

 93,272 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 313,897 total reads

 313,897 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 346,527 total reads

 346,527 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top