2,122 total views
Nagpahayag ng suporta ang social action and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa panawagan ng kalayaan para kay dating Senador Leila de Lima na anim na taon ng nakakulong sa kabila ng kawalan ng kongkretong batayan sa isinampang kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Colin Bagaforo, mahalagang itaguyod ng pamahalaan ang karapatang pantao ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagsunod sa rule of law partikular na sa tamang proseso ng batas.
“We urge the Philippine government to uphold the rule of law and respect the rights of all citizens, including former Senator Leila de Lima,” pahayag ni Bishop Bagaforo.
Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na dapat tiyakin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng patas na paglilitis sa lahat ng mga nasasakdal kabilang na ang dating senador.
“We urge the Philippine government to ensure that she receives a fair and transparent trial in which the evidence is objectively weighed and the legal process is followed according to the law. We also urge all parties involved in the case to exercise restraint and act in accordance with due process and fairness principles,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Ibinahagi ng Obispo na kinakailangan ang ganap na pagkakaisa ng bawat sektor ng lipunan upang matiyak ang pagkakaroon ng maayos, mapayapa at makatarungang bansa kung saan nangingibabaw ang patas na karapatan at pagkilala sa kalayaan ng lahat.
Iginiit ni Bishop Bagaforo na bahagi ng due process na dapat ipatupad ng pamahalaan ang pagpapalaya kay dating senador De Lima na anim na taon ng nakapiit sa kabila ng kawalan ng kongretong ebidensya sa mga kasong nakasampa sa kanya.
“We should collaborate to create a society that is just and peaceful, where the rights and freedoms of all citizens are safeguarded and honored. We strongly urge the government to follow the due process to release her from detention, as this would be a significant step in the right direction,” ayon pa kay Bishop Bagaforo.
Si De Lima na kilalang kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ikinulong noong ika-24 ng Pebrero taong 2017 dahil sa iba’t ibang mga alegasyon ng pagkakasangkot sa ilegal na droga.