Charter change, tinututulan ng mga pari, mambabatas at dating opisyao ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 2,424 total views

Nanindigan ang mga Pari, mambabatas at dating opisyal ng pamahalaan na patuloy na alalahanin ang mga aral na itinuro ng makasaysayang EDSA People Power Revolution.

Ito ay sa isinagawang special episode ng programang Veritasan ni Father Jerome Secillano sa paggunita ng ika-37 taong anibersaryo ng kauna-unahang EDSA People Power na tinaguriang ‘Bloodless Revolution’.

Ayon kay Father Danilo Pilario – Dean ng St.Vincent School of Theology, mahalaga ang naging papel ng simbahang katolika higit na sa pangunguna sa mga pagkilos upang maalis sa pwesto ang diktaduryang pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“37-taon na ang nakakaraan marami sa atin ay nakatayo na sa lugar na ito bago pa man nila ginawa ang simbahang ito banal na ang lupang kaniyang kinatatayuan, dito natin pinigil ang mga tangke na kanilang ipinadala upang lipulin ang kanilang bayan, wala tayong sandata noon, ang dala-dala natin ay ang mga krusipiyo, mga rebulto ni Maria, Santo Niño,” ayon sa pahayag sa Veritas ni Father Pilario

Binigyang diin naman ni Proffessor Edmundo Garcia – Framer Commissioner ng 1987 Constitutional Commission, sa mga kinakaharap na problema ng Pilipinas sa kasalukuyan ay nararapat balikan ang mga nakapaloob sa 1987 Constitution.

Ito ay upang maisulong muli ang pagkakaisa ng mga Pilipino na mabago ang mga sistema sa Pilipinas na hindi nakakatulong sa mga mamamayan.

“People wanted a constitution that was free from politacal patronage and it’s very important to remember that because ngayon again, they want to change the constitution but it is very important to remember that we have so many provision in the constitution that have not been truly implemented, political dynasty is one of them,” ayon naman sa pahayag ni Garcia sa programa.

Ginamit naman ni Rep.Edcel Lagman SR, ang pagkakataon upang iparating ang pagtutol sa pagsusulong ng Charter Change.

“Itong Charter Change ay hindi naman mabibigyan ng solusyon ang grand await inflation rate, hindi naman mabibigyang ng solusyon ang ating escalating poverty, hindi mabibigyang solusyon ang kakulangan ng pagkain o lack of food security at hindi naman ito solusyon upang maiwasan natin o mabigyan natin ng lunas ang posibleng darating na economic problems,” ayon naman sa pahayag ni Lagman sa Veritasan.

Naunang mensahe ni Bishop Reynaldo Evangelista – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs nagsisilbing paalala ang EDSA Shrine o ang Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace sa malalim na pananampalataya at matinding pananalangin ng mga Pilipino 37-taon na ang nakakalipas.

Kasabay ito ng panghihimok ng Obispo na ipagpatuloy ang pananalangin sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang patuloy na makamit ang kapayapaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 2,739 total views

 2,739 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,100 total views

 28,100 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 38,728 total views

 38,728 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 59,717 total views

 59,717 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,422 total views

 78,422 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top