Catholic schools, tutugunan ang mental wellness ng nga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,820 total reads

Tiniyak ni Fr. Daniel Estacio, superintendent ng Pasig Diocesan Schools System (PaDSS) na nakahandang umagapay ang mga katolikong paaralan para sa mga kabataang nakakaranas ng mental disorder.

Kaugnay ito sa paggunita sa World Teen Mental Wellness Day na layong magbigay ng kamalayan upang higit na pagtuunan ang kalusugang pangkaisipan ng mga kabataan sa bawat tahanan.

Sinabi ni Fr. Estacio, na siya ring pangulo ng Pasig Catholic College na maaaring lapitan ng mga mag-aaral ang kanilang mga guro upang mapagsabihan at mahingan ng payo na makakatulong sa pagpapagaan ng kanilang pinagdaraanan.

“Sa mga kabataang nakakaranas ng mental health disorder lalo na sa mga nag-aaral sa catholic schools, huwag kayong mahihiyang magsabi sa inyong mga guidance counselors, sa inyong mga teachers, and even sa inyong mga parents. May mga ino-offer tayong mga intervention lalo na ang ating catholic schools para matulungan kayo,” pahayag ni Fr. Estacio sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa 2021 Youth Adult Fertility and Sexuality Study ng University of the Philippines Population Institute (UPPI), halos isa sa limang kabataang Filipino na may edad 15 hanggang 24 ang nag-iisip na magpatiwakal.

Nakasaad sa pagsusuri ng UPPI na noong 2013, higit 574-libo o tatlong porsyento ng kabataang Filipino ang sumubok na magpatiwakal, habang tumaas pa ang bilang nito noong 2021 na umabot sa 7.5 porsyento o halos 1.5 milyon.

Nangako naman si Fr. Estacio na patuloy na gagampanan ng mga katolikong paaralan ang tungkuling gabayan ang mga kabataan hindi lamang sa pamamagitan ng karunungan, kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.

“Bilang katolikong paaralan, ‘yan po ‘yung ating isa sa mga pangunahing pinagtutuunan ng pansin—the welfare of our students. Kapag sinabing welfare of our students, hindi lang physically, mentally, kundi buo, holistic—spiritual, mental, psychological, physical and emotional,” saad ni Fr. Estacio.

Dalangin naman ng simbahan na nawa’y mabanaagan ng mga kabataan at iba pang nakakaranas ng mental health problem ang pag-asa at kapanatagan ng kalooban sa kabila ng mga pinagdaraanang pagsubok sa buhay.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,010 total reads

 22,010 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,137 total reads

 22,137 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,323 total reads

 39,323 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,729 total reads

 95,729 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,230 total reads

 219,230 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,657 total reads

 302,657 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,053 total reads

 176,053 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top