750 pesos na dagdag sa sahod sa minimum wage earners, suportado ng CWS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,053 total reads

Kinilala ng Church People Workers Solidarity (CWS) ang pagsusulong ng Makabayan Bloc ng House Bill No.7568 o ang Act Mandating a 750-pesos across the board and nationwide increase in the salary rate of employees.

Ayon kay Father Noel Gatchalian – CWS National Capital Region chairman, napapanahon  ang karagdagang suweldo upang makasabay ang mga manggagawa sa mabilis at napakataas na inflation rate.

“Kaya naman kinakailangan na ituloy yung dagdag sahod na panukala ng Makabayan Bloc, tingnan niyo ang pinapansin ng ating mga namamahala, kagustuhan nila yung baguhin, i-ammend yung constitution samantalang napakaganda naman ng 1987 constitution, makatao, makadiyos, makapamilya at ang lahat ng ito ay gagastusan nila ng napakalaking 10 to 15 billion,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Gatchalian.

Naniniwala din ang Pari na hindi magdudulot ng labis na pagtaas ng inflation rate ang panukalang batas, sa halip ay makakatulong ito upang makapamuhay ng may dignindad ang mga manggagawa at kanilang pamilya.

Sinasabi sa pag-aaral ng Ibon Foundation na 1,140-pesos ang family living wage sa mga manggagawang sinuportahan ang pamilyang mayroong limang miyembro.

Inihayag ni Fr.Gatchalian na makatao lamang ang umento sa sahod ng mga manggagawa dahil kumita naman noong pandemic ang mga employers.

“Ang mga malalaking kompanya kahit na noong pandemya, kumita yan, kumita na maraming savings sila, bakit naman hindi sila maging makatao? maging makatarungan? mabigyan man lang ng kaunting dagdag ang sahod ng mga manggagawa,”pahayag ng pari sa Radio Veritas.

Kapag naisabatas ang HB 7568 ay aabot ng 1,091 pesos hanggang 1,320 pesos ang minimum wage ng mga manggagawa mula sa kasalukuyang 341 pesos sa mga lalawigan at 570-pesos sa National Capital Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 5,092 total reads

 5,092 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 41,502 total reads

 41,502 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 97,908 total reads

 97,908 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 221,340 total reads

 221,340 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top