Mamamayan, binalaan sa pagkain ng sea cucumbers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,474 total reads

Nagbabala ang isang eksperto hinggil sa panganib na maidudulot ng kontaminadong sea cucumbers mula sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay marine scientist Jerwin Baure, ang sea cucumbers ay kumakain ng buhangin, putik at iba pang uri ng “sediments”.

Makikita ngayon sa mga dalampasigan ng Oriental Mindoro ang mga langis sa buhangin mula sa oil spill na maaaring pagmulan ng kontaminasyon sa mga sea cucumber.

Nangangamba si Baure dahil maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan lalo’t may mga mangingisdang nangunguha nito upang kainin o kaya’y ibenta.

“Eating contaminated sea cucumbers could possibly pose health risks in fishing communities. This is why Bureau of Fisheries and Aquatic Resources and Department of Environment and Natural Resources must extensively sample water, sediment and animal tissues to determine whether oil has contaminated them or not,” pahayag ni Baure.

Iginiit ng marine scientist na patuloy pa ring ipinagbabawal ng DENR at BFAR ang pangingisda sa Oriental Mindoro at mga karatig na lalawigan dahil sa epekto ng oil spill.

Panawagan naman ni Baure na siya ring public information officer ng AGHAM-Advocates of Science and Technology for the People ang pagkakaroon ng pagsusuri upang matiyak ang kaligtasan ng mga apektadong pamayanan.

Gayundin ang paghikayat sa pamahalaan na gumawa ng konkretong aksyon na makapagpapabilis ng pagtugon sa suliranin ng oil spill sa Mindoro.

Batay sa ulat ng Department of Health, umabot na sa halos 200 ang bilang ng mga nagkasakit na residente dahil sa epekto ng pagtagas ng langis.

Pebrero 28 nang tumaob sa karagatan ng Oriental Mindoro ang MT Princess Empress dala ang 800-libong litrong industrial fuel, na naging dahilan ng patagas ng langis at pagsasailalim sa state of calamity sa mga karatig na lugar.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 18,451 total reads

 18,451 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 53,977 total reads

 53,977 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 94,536 total reads

 94,536 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 119,432 total reads

 119,432 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 167,699 total reads

 167,699 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 187,646 total reads

 187,646 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 130,129 total reads

 130,129 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top